Kuya_Soju
6 stories
Threesome by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 1,104,767
  • WpVote
    Votes 13,958
  • WpPart
    Parts 41
"Papayag ka bang sumiping ang asawa mo sa ibang babae dahil sa gusto nitong magkaroon ng anak?" Hindi kayang bigyan ni AGNES ng anak si TRISTAN. Anak na magiging dahilan sana upang mas maging matibay ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman pumayag siya sa ideyang kukuha sila ng isang babae para anakan ni Tristan. Nakilala nila si Monique. Pumayag ito. Nagkasundo silang tatlo na oras na mabuntis si Monique at manganak ito ay iiwan nito sa kanila ang sanggol kapalit ang malaking halaga ng pera. Ngunit makakaya ba ni Agnes na may ibang babae na makakasiping ang kaniyang asawa gabi-gabi? Paano kung ang pag-iibigan nila ni Tristan na pandalawahan ay maging tatluhan dahil kay Monique?
Cheaters by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 447,046
  • WpVote
    Votes 7,354
  • WpPart
    Parts 42
Naghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani-kanilang karelasyon. Si Ava, sinasaktan ng kaniyang asawa. Habang si Anjo naman ay nabubuhay sa pag-aalaga ng asawang may taning ang buhay... Sa muling pagku-krus ng kanilang mga landas, isang pagkakamali ang kanilang magagawa. Tama nga bang magkamali kung sa ngalan naman ito ng pagmamahal?
I'll Be Home For Christmas by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 6,119
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 8
(Completed Story) Gaano nga ba kahirap ang malayo sa mga mahal mo sa buhay? Isang ina ang gagawin ang lahat para lang makapiling niya sa Pasko ang kaniyang pamilya...
The Unfaithful Wife by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 269,046
  • WpVote
    Votes 6,934
  • WpPart
    Parts 53
[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo ang kasabihang "love will keep us alive". Hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na kayang ibigay ang lahat sa kaniya. Gumawa siya ng bagay na labag sa batas ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa... Ngunit paano kung sa pagkakataong handa na siyang magbago ay huli na pala ang lahat? Magagawa pa ba niyang bawiin ang isang pag-ibig na siya mismo ang nagtapon? Mabubuo pa ba niya ang winasak niyang pamilya?
Mr. Mermaid's First Love (Book 1) by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 2,060
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 4
[PREVIEW ONLY] My name is Gia Saavedra and I believe in happily ever after. I have a perfect life, perfect family and a loving boyfriend. Eerything seems perfect until I met Kairo. Ginulo lang naman niya ang buhay ko sa Liberman High! Pinipilit niya kasi na kilala namin ang isa't isa. Nagkakilala raw kaming dalawa noong bata pa kami. Siya raw iyong nagligtas sa akin nang mahulog ako sa dagat habang sakay ng yacht. He's not just a stalker but a liar too. As far as I can remember, ang daddy ko ang nagligtas sa akin sa aksidenteng iyon at hindi siya. At ito pa ang nakakaloka! Isa daw siyang Serian o merman na naninirahan sa Oceanus! Merman? Do they really exist?! Nagpapatawa ba siya? Ang lakas din talaga ng imagination ng Kairo na iyon, e. Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit parang kilalang-kilala niya ako? Paanong nasa kanya ang pearl bracelet ko na nawala noong bata ako? Is he really telling the truth? Kasama ba sa "truth" na iyon na isa siyang merman? But why I can't remember him?
Mr. Mermaid's First Love (Book 2) by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 1,391
  • WpVote
    Votes 31
  • WpPart
    Parts 4
[PREVIEW ONLY] Ako si Kairo at isa akong Serian. Mula sa kailaliman ng karagatan ay umahon ako sa kalupaan upang sundan ang babaeng aking iniibig-si Gia. Sa umpisa ay tila napakailap ng swerte sa akin dahil may minamahal na si Gia pero gumawa ng paraan ang tadhana upang kami ay magkalapit. Sa paghihiwalay ni Gia sa kaniyang nobyo ay siya namang paglapit niya sa akin. Ngunit sa pagganda ng pakikitungo niya sa akin ay ang siyang pagdating ng isang malaking problema. Isang kaguluhan sa aming kaharian ang sumiklab nang dahil kay Arwana. Naguguluhan ako kung ano ang aking uunahin. Ang pag-ibig ko kay Gia o ang tulungan ang aming kaharian? Nauubos na rin ang oras ko rito sa lupa. Paliit na rin nang paliit ang aking mundo dahil dumarami na ang nakakaalam ng aking sikreto. At isa sa kinakatakutan ko ay magagawa ba akong ibigin ni Gia kung sakaling malaman niya na isa akong... sireno?