kaelobsidianink
Stefhanie Avelora Starryn x Cesar Ryan Valencourt
[COMPLETED]
ՏTᗩᖇTᗴᗪ : 04/15/26
ᖴIᑎIՏᕼᗴᗪ : 05/10/26
Sa Emberfall Valley, hindi naman talaga plano ni Stefhanie Avelora Starryn na mapansin si Cesar Ryan Valencourt. Para sa kanya, si Cesar ay isa lang tahimik na estudyante sa dulo ng classroom-ungas, misteryoso, at masyadong matipid magsalita. Pero dahil sa isang babala, isang bakanteng upuan, at isang linyang hindi niya dapat narinig, unti-unting nahila si Stef sa katahimikan ni Cesar na hindi na niya kayang balewalain.
Habang kumakalat ang mga tsismis at isa-isang lumalabas ang mga lihim, doon lang narealize ni Stef na may itinatago si Cesar na higit pa sa isang simpleng misteryo sa school. Ang dati'y kuryosidad lang, dahan-dahang naging mas mabigat at mas delikado-ang klase ng koneksyon na kayang baguhin ang lahat. At sa isang bayang tulad ng Emberfall Valley, kung saan lahat ng itinatago ay kusa ring lumalabas, may mga katotohanang sadyang hindi kayang ibaon nang habambuhay.