berrysnaps
- Reads 8,703
- Votes 248
- Parts 40
Janella De Jesus, ang babaeng may paninindigan at malakas ang paniniwala sa muling pagkabuhay o mas kilala sa tawag na "reincarnation".
Isang araw, nanaginip siya sa isang lugar - isang malaking simbahan na tinayo noong pananakop ng mga kastila. Natunghayan rin ng mga mata niya kung papaano ang pamumuhay ng mga tao noong unang panahon.
Nasilayan ng dalaga kung paano sumiklab ang isang madugong gera na pinamumunuan ng mga rebelde. Habang nasa gitna ng labanan, nasaksihan niya kung paano namatay ang isang heneral sa kaniyang harapan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napag-alaman niya na ang mga panaginip niya ay sumasalamin lamang sa kaniyang nakaraang buhay. Kung saan nabuhay siya halos tatlong daang taon na ang nakalipas.
Sa kaniyang pagbabalik sa matagal nang lumipas na panahon, malinaw na ang kaniyang nais na gawin ay mahanap ang heneral at iligtas ito sa mga kamay ni kamatayan.
Ngunit paano niya ito maisasakatuparan kung hindi niya nakita ang mukha ng binata?
Kasabay ng paghahanap sa heneral ay sasalubungin din siya ng mga bagay na kaniyang naiwan noon at dapat niyang baguhin ang pagtatapos ng mga ito.
Magagawa niya kayang burahin ang naisulat na ng kasaysayan?
Saya.
Lungkot.
Takot.
Galit.
Pighati.
Iyan ang mga mararanasan at mararamdaman niya sa kaniyang mahabang paglalakbay sa nakaraan. Hindi lamang dahil sa mga bagay na dapat niyang ayusin, kung hindi dahil sa isang lihim na bumabalot sa kaniyang tunay na pagkatao.
Kaya niya kayang malagpasan ang lahat ng pagsubok na ito mabuhay lamang ang heneral?
Kaya bang tanggapin ni Janella ang lahat ng kaniyang malalaman kahit pa ang kapalit nito ay ang pinakamahalaga sa kaniya?
Date started: April 11, 2020