rockzwell
Tiningnan ni Warren yung paper bag na ibinaba ko. Tapos tiningnan niya ako. "I know. I saw the receipt on this greasy box of whatever this is. Balak ko na sanang itapon dahil hindi ko alam kung paano ibabalik sa'yo."
"Itapon?!" halos lumabas ang mga mata ko sa inis. "Hoy, Doc Zaavedra! Dalawang libo ang ginastos ko diyan! Special order 'yan! At itatapon mo lang?!"
"I don't eat junk," malamig niyang sagot, sumandal sa sofa. "And I don't touch food that belongs to annoying people. Baka may lason 'yan."
"Lason? Ang kapal talaga ng mukha mo!" Pinalo ko ang lamesa. "Mas lason 'yang kinakain mo! Tingnan mo nga 'yan! Damo! Literal na damo! Walang dressing! Paano mo nasisikmura 'yan? Kaya ka laging mainitin ang ulo, kulang ka sa masarap na pagkain!"
Tumawa nang malakas si Jaime. "Point taken, Doc Rio. Sabi ko rin kay Warren kanina, subukan naman niyang kumain ng normal na pagkain kahit minsan. Ayan, binigyan na siya ng pagkakataon ng universe."
"Shut up, Jaime," saway ni Warren. Binalingan niya ako. "My diet is none of your business, Doc Del Vega. I eat healthy. Hindi katulad mo na puro cholesterol at sugar ang ipinapasok sa katawan."
"Excuse me, nag-e-exercise ako!" depensa ko. "At Biyernes ngayon! Cheat day ko! I deserve this pizza. Kaya ibalik mo na sa akin 'yan at kunin mo na 'yang malungkot mong salad!"
"Malungkot? This is a premium organic salad."
"Kahit galing pa 'yan sa pinakamahal na farm sa mundo, malungkot pa rin 'yan! Walang lasa! Walang buhay! Parang ikaw!"
Nanlaki ang mga mata ni Warren. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sina Jaime at Dylan ay humalakhak na sa likuran niya.
"I am not sad and tasteless," madiin na sabi ni Warren, tumayo siya para pantayan ako ng tingin. "I just value my health. Unlike some people na ginagawang water replacement ang milktea."
"Huwag mong idamay ang milktea ko rito!" sigaw ko, dinuro ko siya. "Akin na 'yung pagkain ko! Gutom na ako at wala akong time makipag-debate sa'yo tungkol sa nutrition!"