Hisfic
3 stories
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,371,509
  • WpVote
    Votes 196,980
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Crusade of the Stars  ⋮ ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ ⋮ by Exrineance
Exrineance
  • WpView
    Reads 180,508
  • WpVote
    Votes 7,899
  • WpPart
    Parts 36
Habang naliligaw si Aria sa mga pahina ng Noli Me Tangere, hindi lamang ang kanyang sarili ang nagbabago, kundi pati ang nararamdaman niya para kay Ibarra. Matuklasan kaya ni Aria ang kanyang tunay na pagkatao sa kabila ng mga tanong na bumabalot sa mundo ng Noli Me Tangere? °°° Nang mapadpad si Aria sa isang kuwento na nagpasimula ng rebolusyon sa kanyang mga ninuno, nagulo ang lahat ng alam niya at bigla siyang nahulog sa bitag ng tadhana. Isang malupit na katotohanan ang nagbukas sa kanya--lahat ng akala niyang tama ay mali pala. Inililihim ng oras ang kanilang katotohanan habang pinakakalat ng kasaysayan ang maling kuwento. Sa pagbabalik ng mga tala sa kanilang kalangitan, lalabanan nila ang itinakdang wakas na isinulat ni Jose Rizal at susuwayin ang itinatadhana sanang pag-ibig sa pagitan nina Ibarra at Maria Clara. Ang pag-ibig ay magdadala ng pighati, ang pananampalataya ay ipagkakanulo at ang katotohanan ay magiging isang huwad. Sa nalalapit na trahedya ng Noli Me Tangere, saan kaya dadalhin sina Aria at Ibarra? Matuklasan kaya nila ang kanilang tunay na pagkatao upang makatakas sa nakatakdang kapalaran? ...... ...... ...... THIS NOVEL WILL BE UPDATED ON EVERY SECOND AND FOURTH SATURDAY OF THE MONTH. Written in Tagalog-English. •Highest Ranks• #13 HistoricalFiction #1 Ibarra #1 HistoricalRomance There Once Lived 01 | Crusade of the Stars | Exrineance
UGMA by AlingAleng_
AlingAleng_
  • WpView
    Reads 65,758
  • WpVote
    Votes 2,372
  • WpPart
    Parts 27
Wattpad Webtoon Studios Winner Wattys 2022 Winner - Young Adult Si Maria Maruha Ignacio ay isang Pasigueñong ipinanganak sa 70s at isang certified batang 80s. Umiikot lamang ang kaniyang kabataan sa kaniyang ultimate crush na si Aga Muhlach, sa pag-abang sa radyo ng mga paborito niyang kanta, sa pagrenta niya ng mga VHS o betamax, sa pagnood ng mga palabas habang kinakain ang tig-pisong mga chichirya, sa pagkabisado sa mga sikat na kanta sa Jingle Songhits, sa paglaro sa mga sikat na games sa arcade ni Lolo Pedring, at sa pagtambay sa ilalim ng puno ng kaimito kasama ang matatalik na mga kaibigan. Wala siyang ideya na hindi mabubuo ang kaniyang kabataan kung hindi niya mararanasan ang pana ni Kupido. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana sapagkat sa dinami-raming lalaki sa mundo ay sa kaniyang kaibigan pa siya mahuhulog. Gagawa siya ng paraan upang mapigilan lamang ang kaniyang nadarama para rito. Ngunit sa pag-iwas sa pag-ibig ay hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nawawala ang kaniyang pinakaiingatan. Pipigilan na lamang ba ni Maruha ang kaniyang nadarama dahil iyon ang tama o kailangan na lamang niyang tanggapin ang katotohanan na mag-isa siyang uusad sa kolehiyo na wala sa kaniyang tabi ang mga kaibigan? Nasimulan: June 20, 2021 Natapos: August 14, 2022