Shadowyn_Wp
- مقروء 102,835
- صوت 1,054
- فصول 50
DARIOUSE CLARENCE MONTAGUE (MAFIA BOSS SERIES 2)
--
Matagal nang lihim na may nararamdaman si Kianna para kay Dariouse, ang matalik na kaibigan ng kanyang kuya. Bata pa lamang sila ay lihim na niya itong hinahangaan-ang lalaking kinatatakutan ng marami, ngunit para sa kanya ay isang taong matagal na niyang minahal mula sa malayo.
Ngayon, isa nang nurse sa isang mental hospital si Kianna. Isang araw, kinausap siya ng mga magulang ni Dariouse at hiniling na maging private nurse ng kanilang anak. Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok, lalo na't ang lalaking aalagaan niya ay ang taong matagal nang nasa puso niya.
Si Dariouse ay dating isang makapangyarihang mafia boss na kinatatakutan ng lahat-malamig, matapang, at walang kinatatakutan. Ngunit nagbago ang lahat nang iwan siya ng babaeng minahal niya, ang kanyang ex na si Stella. Ang sakit ng pag-iwan ay nagtulak sa kanya sa isang madilim na kalagayan hanggang tuluyan siyang mawalan ng katinuan.
Samantala, si Kianna ay nasaktan din sa pag-ibig. May boyfriend siya noon, ngunit naghiwalay sila matapos itong magtaksil-at mas masakit pa dahil ang ipinagpalit sa kanya ay ang sarili niyang kaibigan na si Samantha. Dahil dito, pinili niyang ibuhos na lamang ang kanyang oras at puso sa pag-aalaga kay Dariouse.
Habang tumatagal, sa gitna ng galit, sakit, at mga sugat ng kanilang nakaraan, unti-unting nabubuo ang isang damdaming hindi nila inaasahan. Sa bawat araw na magkasama sila, tila unti-unting nabubuhay muli ang puso ng lalaking minsang tinawag na walang awa.
Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang pagalingin ang isang pusong matagal nang nasira?
Sa pag-aalaga ni Kianna kay Dariouse, tuluyan bang gagaling ang lalaking minsang kinatatakutan ng lahat? O magpapatuloy ang kanyang kabaliwan dahil sa sugat na iniwan ng kanyang ex na si Stella-o mananaig ang pag-ibig ni Kianna para sa kanya?
-wayne.