kimkaeyeon19
Ako ang babaeng, ampalaya.
Ang dahilan ng pagiging living ampalaya ko ay ang boyfriend, I mean ex-boyfriend ko na.. niloko ako, clićhe right?
At dahil na rin sa ate kong palaging broken hearted.
Lahat naman ng bitter nasaktan diba?
Kasalanan yan ng mga taong malalandi at gago, bakit hindi na lang yung mga higad na yun ang pinagsama, tapos kaming matitino pagsamahin?
Bakit ang unfair?
Pero may kasalanan din naman ako kung bakit ako nasaktan, may kasalanan din ako.
Kasalanan ko kung bakit nagpakatanga ako.
I'm Ella, Bitter Ella at your service.
-
Para po ito sa mga bitterella. Sa mga taong motto ay "Walang forever."