Leinirin
- Reads 612
- Votes 287
- Parts 18
Date Started: April 23, 2025
Date Finished:
KAYA, ibig sabihin ay kaya mo, kaya niya, kaya nila.
Sa buhay natin, marami tayong pagsubok na kinakaharap sa buhay. Minsan, naiisip na lang natin sumuko. Bakit? Dahil wala tayong mapagkwentuhan ng ating nararamdaman, sinasarili na lang natin dahil alam nating lahat tayo ay may kani-kaniyang problema. Ang katuwiran natin ay ayaw na nating dagdagan pa ang kung ano mang iniisip nila.
Ngunit ang iniisip natin ay kabaligtaran sa pananaw ng isang grupo ng magkakaibigan.
Para sa kanila, ang pagbabahagi ng 'yong nararamdaman o problema sa isa o higit pa na tao ay hindi dagdag sa isipin nila, lalo na kung sila ay makikinig din sa kaniya. Para sa kanila, mas makakaya mo na magtagumpay sa pagsubok kung may gagabay sa'yo. Para sa kanila kaya mo naman kahit mag-isa, ngunit mas makakaya mo kung may kasama ka sa bawat laban mo sa buhay.
Lahat ay nakaya nila ng magkakasama, ngunit akala lang pala nila.