mafioso_akio
Tila isang bagong silang na sanggol ang pakiramdam ni Mazda nang magising sa isang kwartong hindi pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at nasaan siya.
Pati sarili niyang pangalan, edad, tirahan, at pamilya. Hindi niya alam. Wala siyang maalala. Basta ang tanging nasa isip niya. Mahilig siya sa mga kotse. Iyon lang ang natatandaan niya at wala ng iba.
Pero hindi naman nagtagal, may mga tutulong sa kanya para maalala niya kung sino ba talaga siya. Kabilang na ang isang taong tila nakikilala na agad ng puso niya. Dahil unang beses na magtama ang mga mata nila. Hindi naging normal ang paghinga niya.
Ang nakakapagtaka lang para kay Mazda. Paano siya nito matutulungang makaalala. Kung ito din mismo ay nagkaroon ng amnesia.
(Boyslove)