ZaejHyobb
- Reads 173
- Votes 16
- Parts 11
"Bunga ng pag-asa", iyon ang nakalagay sa libro na kahulugan ng pangalan niyang HIRAYA. Alam niya sa sarili niya na hindi siya bunga ng pag-asa, hindi rin siya bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao. Madaming rason kung bakit hindi siya maniniwala sa salitang iyon. Ika nga nila, "Ang mga bakas ng kamusmusan ay nananatiling tatak sa ating pagtanda." Pero hindi niya inaasahan na isang araw, hindi mabatid ang lalim ng ligayang nadarama niya dahil sa mga taong dumating sa buhay niya.
Sapat na kaya ang ligayang ito upang mabura ang lahat ng rason kung bakit hindi siya naniwala noon sa kahulugan ng salitang "hiraya"?