Nhie Alforte Stories
7 stories
 𝑨𝒏𝒈𝒈𝒊𝒕𝒂𝒚 by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 114
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 19
Ano nga bang meron sa dulo ng bahaghari? Si Zentra ay isang ambisyosang babaing anggitay, ninais nyang makuha ang kayamang nasa dulo ng bahaghari. Gagawin nya ang lahat makamit lang ang kanyang pangarap,kahit pa ibuwis niya ang sariling buhay. Si Rhose ang batang taga baryo na sa murang edad ay nakaranas na ng kalupitan ng kanyang ama. Saan nga ba hahantong ang pagiging magkaibigan ni Rose at Zentra? Sundan natin ang kanilang makulay na pakikipagsapalaran sa mundo ng mga Anggitay !.
Taong Ahas by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 314
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 13
Ohhh pag ibig na makapangyarihan kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Gaano nga ba kahiwaga ang tunay at wagas na Pag ibig? 'Yan ang pinatunayan ni Draco at Liah sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang uri. At ano ang kaugnayan ng mahiwagang bulaklak ng Nyphia sa kanilang buhay? Paano sisibol ang wagas na pagmamahalan sa pagitan ng isang lalaking taong ahas at isang babaing biologist? Handa nga ba nilang ialay ang kanilang buhay makamtan lang ang Hiwaga ng pag ibig?
AYAH by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 10
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
Kwento ng pag iibigan ng isang Tao at sirena sa isang mala pala paraisong isla. Ang paghihiganti ng isang sirena dahil sa kabiguan sa unang pag ibig na nagdulot upang kumuha siya ng mga kalalakihan upang ikulong sa kanyang paraiso. Hindi lahat ng pag ibig ay may happy ending... kinakailangan natin minsan tanggapin ang realidad ng buhay na ang mga sirena ay para sa katubigan at ang mga tao ay sa kalupaan... May limitasyon ang lahat ng bagay sa mundo. Kayganda doon at parang paraiso... walang araw ngunit kay liwanag... nangingislap pa ang mga puting bato na parang mga kristal, kay puti din ng buhanginan at kay sarap tapakan ng kanyang hubad na paa, ang asul na karagatan ay napakaganda ring pagmasdan dahil banayad at walang ka alon-alon at sa dako pa roon sa kristal na batuhan ay may kweba. Agad tinungo iyon ng binata at dahan dahang pinasok. "M-may tao ba dito ?" tawag niya. Walang sumasagot pero nakakarinig siya ng mga pagngasab na tila sarap na sarap sa pagkain. Binaybay pa n'ya ang loob at nakita niya na ang pag ngasab na yaon ay galing sa isang babaeng nakatalikod ngunit nakalublob sa tubig ang kalahati ng katawan. "Ms. pwedeng mag tanong anong lugar ito... ?" magalang na tanong ng binata. Nagulat si Heron ng biglang humarap ang magandang mukha ng isang babae, bagaman at umaagos sa bibig ang dugo at may hawak na isda ang tig kabilang kamay, ang babae ay nagtataglay ng gintong buhok... kasabay nang matinis na paghuni ng nilalang ay ang paghampas ng kalahating katawang- isda nito sa tubig. "S-sirena...!" malakas na hiyaw ng binata sa sobrang pagkagulat at takot.
Kadyong Tiktik by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 19
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
Saktong alas dose ng hating gabi ng muling lumanding si Kadyong tiktik sa bubungan ng kubo nina Ligaya. Muli ay mas pinalaki nito ang butas na nandoon na. Wala syang sinayang na sandali at agad ibinaba ang sariling mala sinulid na dila, patungo sa kinaangan, sa pagitan ng mga hita ni Ligaya. Humahagikhik pa ng pino ang babae dahil tila nakiliti. "Aba'y pag sinuswerte nga naman, krema ang kulay ng suot na p*nty ng bruha..." Namimilog tuloy ang mata ng aswang sa pagkakatitig sa borlis na babae, "In fairness m*alindog parin kahit buntis !" Doble swerte niya ngayong gabi, makakatikim sya ng dalawang putahe, makakatikim sya ng sanggol, makakatikim pa sya ng tilapya ! Kaya ano pang hinihintay ? wag nang patagalin pa, sisirin na ! Ngunit.... Nasa bukana palang sya ng kweba ni Ligaya ng muling bumaliktad ang kanyang sikmura dahil sinalubong siya ng nakasusulasok na hangin mula doon.... Amoy bulok na tahong na naburo ng ilang dekada ! "Pweeee.... b*stos , balahura ! Ang kulay krema palang panloob ni Ligaya, siguro ay dating kulay puti, na ngayon ay nagtutubal pala sa libag kaya nabago na ang kulay... Kung pusali lang ang amoy sa pusod ni Ligaya, dine sa ibaba ay 'poso negro' na...! sinamahan pa ng tila amoy ng pinag linisan ng isda, malansa lansa !
SIRENO by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 8
Fiction SToRy that touches Ur Heart. Ang nakaantig na kwento ng mag amang Bughaw at Samuel. Si Samuel na isang kuba, pinandidirihan at kinatatakutan ng kanyang mga kababayan? Si Bughaw na isang Sireno at anak ng Reyna ng karagatan. Paano nga ba nila maililigtas ang tuluyang pagkawasak ng ilalim ng dagat sa kamay ng mga taong mapang abuso ng kalikasan? May pag asa pa kayang magkaroon ng pagbabago sa isang bayang sakim sa biyaya ng karagatan. Samahan natin ang makulay na pakikipagsapalaran ni Bughaw at Samuel sa ilalim ng karagatan at kalupaan.
Batang Ina by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Ang babaeng inagawan ng magandang kinabukasan dahil sa maaga niyang pag dadalang tao... pero iba ang plano sa kanya ng tadhana...
TATANG by Nhie1987
Nhie1987
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
A story of a father and son that touches @ melts your stone heart....💙❤️ Nadatnan ko si tatang na payapang natutulog sa katreng higaan sa kwarto. Hapis ang mukha at napakapayat, dala marahil ng mabigat na pagtratrabaho sa dagat. Lumapit ako sa kanyang tabi at naupo sa kanyang gilid. Napaiyak muli ako ng makita nga ang kanyang mga kamay na nagsusugat at nangangapal sa kalyo, maitim at natutuyong balat dulot marahil ng matinding sikat ng araw sa gitna ng karagatan. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at saka pinagmasdan, kusa na namang tumutulo ang luha ko kahit anong pigil ko. Dala ng labis na emosyon at awa ay nahalkan ko iyon habang nag uunahang pumapatak ang aking luha... lalaki ako pero kahit na sinong anak na lalaki man o babae ay iiyak pag nakita ang katibayan at ebidensya ng sobrang kasipagan ng ating mga magulang maitaguyod lang ang pamilya. Naramdaman ko na lang na gising na pala si tatang at nakangiti sa akin ng napakaganda, ngiting ngayon ko lang nasilayan sa kanya, ginugulo din nito ang aking buhok. Hindi ko na napaglabanan ang aking emosyon at natuluyan akong napayakap sa kanya habang sinasambit ang mga katagang... "Patawad tatang... s*ntukin mo ako kahit paulit ulit payag ako dahil masama akong anak..." Ngunit paulit ulit din itong umiling... "Hindi anak... hindi ka masama, kahit kunin ako ngayon din ng maykapal ibubulong ko sa kanya na patuloy kang pagpalain at bigyan ng kasaganaan dahil naging masunurin kang anak at hindi mo binigo ang iyong ama... "