kzielysi's Reading List
40 stories
A Twist In Time (EDITING) by EmsBaliw
EmsBaliw
  • WpView
    Reads 407,355
  • WpVote
    Votes 10,477
  • WpPart
    Parts 62
A girl from year 2018 travelled way back in the 18th century and met her great grandmother's lover. At dahil sa isang mahiwagang kuwintas, magkakaroon ng kakayahan sina Eduardo at Adrea na maglakbay sa magkaibang panahon na kanilang pinanggalingan. Pero paano nga ba itatama ng isang masungit at mataray na Adrea ang kamalian ng nakaraan kung sya mismo ay walang kaalam-alam pagdating sa pagmamahal? Highest Rank: #1 in historical fiction (March-May 2019, August-Sept. 2020) #1 in history (December 2018 and August 2019) #1 in 18thcentury (August 2019) #1 in historical fiction (September-October 2019) #1 in timetravel (September 2019) #1 in twist (September-November 2019 & August 2020) #1 in historical fiction (February 2021 😭) #1 in timetravel (June 2021) #1 in history (January 2023) Date Started: Sept. 24, 2018 Date Finished: Feb. 5, 2019
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
AorinRei
  • WpView
    Reads 27,421
  • WpVote
    Votes 4,421
  • WpPart
    Parts 60
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803 by jnignacio
jnignacio
  • WpView
    Reads 305,743
  • WpVote
    Votes 14,672
  • WpPart
    Parts 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy heartbreaker of his time. *** General Maximilliano Abueva is a high-ranking soldier way back 1803. With the use of his charm, he can easily attract ladies from every single town he visited, then left them broken. But this playboy general will change when he meets Eloisa--a tomboy from modern era that had been missioned to travel back in time to year 1803; to learn the norms of a Filipina lady and discover the mysterious beauty of the past. She has to disguise as Maria Marikit Lacsamana, a young Filipina who fell in-love with General Maximilliano but she took her own life when that said general didn't attend their wedding and left their town along with his mistress. While staying in the past, as Eloisa meets the reason of the tragic death of Marikit, is she the only one that will learn something in her adventure? Or she will teach a lesson to the playboy general of 1803?
Tú eres mi amor [Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw] (El Fin) by AnakDalita
AnakDalita
  • WpView
    Reads 73,903
  • WpVote
    Votes 1,913
  • WpPart
    Parts 39
Mayroon na talagang nagmamay-ari ng puso ni Aurelia-si Serafin, ang kanyang una at sana'y huli na ring pagsinta. Napakatindi ng pagmamahal niya para sa kasintahan at gayun din ito sa kanya, sa kabila ng malaking pagkakasalungat ng kani-kanilang mga landas sa buhay. Subalit isang insidente ang kasasangkutan ni Aurelia, at ng estrangherong si Miguel, na magsisilbing mitsa ng napakalaking pagbabago ng kani-kanilang mga buhay... [cover image by @Mystrielle ]
Sulat ng Tadhana  by Cinnamorena
Cinnamorena
  • WpView
    Reads 2,726
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 17
Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooban sa kapwa mo antagonista? Hangad ng isang manunulat na si Marialunea Sae Caringal ang makalikha ng isang nobela. Ngunit sadyang lahat ng pangarap ay palaging may hadlang at para kay Lune, iyon ay ang writer's block na kaniyang nararanasan. Hanggang sa matagpuan niya ang isang librong magdadala sa kaniya papunta sa ibang mundo...patungo sa ibang pagkatao. At sa bagong mundong iyon ay makikilala niya ang taong magiging hamon sa kaniyang pananaw at prinsipyo na siyang kontrabida sa mismong kuwento-si Heneral Lejandro Almazan. Sa gitna ng kanilang tila walang hanggang bangayan, pag-ibig ba'y magbubunga? Paano kaya ipaglalaban ng dalawang antagonista ang kanilang pagmamahalan? Aayon ba sa kanila ang sulat ng tadhana? ---- Started: 12/26/24 Ended: -
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series ) by GinoongWriter
GinoongWriter
  • WpView
    Reads 37,611
  • WpVote
    Votes 1,013
  • WpPart
    Parts 46
" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasambang sinisinta. Nalusaw ang dating maaliwalas na kulay ng kanyang mukha. Na ang mga pangarap biglang naglaho. At ang mga binitawang mga pangako ngayo'y naging pako. . "Di ka man lang nagpaalam sinta. Paano na ako ngayong wala ka na?" . Sa kanyang pagkalugmok sa kalungkutan, muling nagparamdam ang binibining babago sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. Siya yung tipong akala mo mahinhin pero di mo akalaing walang sasantuhin.. Siya na kaya ang babago sa Patay na buhay na si Baste? .... Hola! Ang mga tauhan, lugar at mg pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lamang.
Una Vez en Diciembre by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 27,931
  • WpVote
    Votes 1,346
  • WpPart
    Parts 48
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na tumira sa masungit na nilalang na ito kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito ngunit ngayon ay hindi na. Ayos lang sa kanya na magsungit ito basta kasama lang niya. Nalintikan na. Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
Unmei no Akai Ito by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 36,847
  • WpVote
    Votes 1,756
  • WpPart
    Parts 19
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay dahil baka raw matipuhan siya ng isang sundalong Hapones. Ngunit naging matigas ang ulo niya. Sa tuwing umaalis ang kanyang tatay at naiiwan na siya mag-isa, lagi siyang umaalis ng bahay para pumunta sa tabing ilog. Doon ay nakilala niya ang isang sundalong Hapones na magiging dahilan kaya naging magulo ang tahimik niyang buhay. Date Started: March 27, 2020 Date Ended: August 16, 2020
Love, Time and Fate ✓ by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 28,190
  • WpVote
    Votes 1,275
  • WpPart
    Parts 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog napunta ang kaluluwa niya sa katawan ng isang babaeng sobrang sakit talaga sa ulo ang buong pagkatao. Nagkaroon rin siya ng instant boyfriend na gustong-gusto na makipaghiwalay sa kanya. A handsome man who's name is Ignacio Illustre. She do her best to tell him that she's not his girlfriend. That she's from year 2019. Sobrang saya niya dahil naniwala naman ito sa kanya. Ang akala niya noong una ay masungit si Ignacio. Mabait naman pala ito. Sadyang masungit lang talaga kay Clementina-ang pangalan ng katawang ginagamit niya ngayon. Hay! Buti na lang talaga nasa tabi niya si Ignacio. Kahit papaano hindi siya nahihirapang pag-aralan ang pagkatao ni Clementina. Pero na-realized niya na parang may mali. Bakit parang ayaw na niyang malayo siya kay Ignacio? Dated Started: May 25, 2019 Date Finished: August 9, 2019
Sana Bukas (West Side Series 1) by CengCrdva
CengCrdva
  • WpView
    Reads 4,729,421
  • WpVote
    Votes 23,418
  • WpPart
    Parts 15
WARNING : MATURE CONTENT | R-18 | SPG Life is like traveling to a place that you've never been before and fate is one fucked up tour guide that holds your itinerary... And what's in it are inevitable. May mga bagay sa buhay na hindi natin kontrolado. Maraming nangyayari na hindi natin kailanman maiiwasan at may mga sirkumstansiyang huhulma sa atin para tayo'y maging matatag at matibay sa hinaharap. Iyon ang ibinigay sa isang Valerie Cross. Problema at katatagan simula pa lamang sa umpisa. She doesn't believe that loving someone is necessary. Oo nga at meron naman siyang pagmamahal sa katawan pero hindi iyon para sa tao kung hindi sa pera lang. Iyon ang mas mahalaga para sa kanya. She doesn't need love and she will do everything just to avoid it because she believes that loving someone just complicates everything. Love is complicated and fucked up at 'yon ang ayaw niya. Nabuhay na rin siyang mag-isa at kakayanin niyang harapin ang bukas ng mag-isa kung iyon ang iginuhit ng tadhana para sa kanya pero paano kung isang bukas ay magbago nalang bigla ang lahat? Paano kung matagpuan niya ang isang destinasyong puno ng pagmamahal at taliwas sa mga gusto niyang gawin? Makakaya nga kayang tabunan ng bukas ang kanyang masalimuot na nakaraan o habang buhay nalang siyang hihiling ng isa pang bukas upang baguhin ang kasalukuyan?