RonaMagbanua296's Reading List
2 stories
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed) by VraielLajj
VraielLajj
  • WpView
    Reads 517,989
  • WpVote
    Votes 8,449
  • WpPart
    Parts 26
Sa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niyang maghanap ng pamalit dito. Inisip niya na madali lang turuan ang puso. . . At nagawa ito ni Audric, natutunan niyang mahalin si Ffion at siya naman pagpasok muli ni Ivony sa buhay niya at pinaalam na buntis ito sa anak nila. Kung saan si Ffion ang pinili niya, saka naman nalaman ni Audric ang masakit na katotohanan laban kay Ffion. Sa laki nang galit niya sa babae, pinalayas niya ito sa pagmamahay nilang dalawa. Naghiwalay sila ng landas. Nagpaopera siya ng mata, nagbalikan sila ni Ivony at muling inayos ang nasira nilang relasyon kasama ang kanilang anak. Pero nung muli niyang nakita si Ffion, nalaman ni Audric na buntis ito at siya ang ama ng batang dinadala ng babae. *** All Right Reserved @2021 Mga Orihinal na Akda: VRAIELLAJJ
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 43,862,555
  • WpVote
    Votes 1,374,649
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.