indigobendano
- Reads 610
- Votes 78
- Parts 12
May kaniya-kaniyang paniniwala ang mga tao kung bakit nga ba umuulan. Sabi ng iba ay dahil umiiyak ang mga anghel, o 'di kaya'y kinakasal ang mga tikbalang. Ngunit iba ang paniniwala ni Rainier.
Sa tuwing malulungkot siya at nasa bingit na ng pag-iyak, tila sumasabay rin sa pag-iyak ang mga ulap. Pagpatak na pagpatak ng kaniyang mga luha sa lupang inaapakan niya ay siya ring pag-ulan nang bigla-bigla.
Mabigat ang alaalang dala ng ulan para kay Rainier kaya hiniling niya na sana matigil na ito, dahil pagod na siyang mabasa sa sarili niyang mga luha. Dahil sa kaniyang pagsusumamo, mistulang narinig ng kalawakan ang kaniyang hiling dahil nakakilala siya ng taong magbibigay liwanag sa kaniyang buhay, si Apollo.
_________________
Status: ONGOING / UNEDITED