3
161 stories
School of Myths: Ang ikatlong aklat by chufalse
chufalse
  • WpView
    Reads 215,364
  • WpVote
    Votes 6,622
  • WpPart
    Parts 51
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Euphemia at hindi rin siya nakakasiguro na hindi na sila hahabulin dito ng alagad ng mga batas, dahil sa pagkakasala ng kaniyang mga magulang. Ngunit ang hindi niya alam ay sa lugar na ito magbabago ang takbo ng kaniyang buhay. At ang inaasahan niyang mapayapang bansa ay nababalot pala ng misteryo at ang bagay na ito ay kaniyang haharapin dahil sa wala na siyang pagpipilian pa.
School of Myths by chufalse
chufalse
  • WpView
    Reads 2,051,133
  • WpVote
    Votes 39,116
  • WpPart
    Parts 55
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "The Den of Evil". Lagi kasing nasisipa itong si Rain sa lahat ng school na napapasukan niya, dahil sa kalagian nitong pakikipag-away. Kaya lagi din silang palipat-lipat ng bahay upang sa ibang lugar ay makapag-aral ito. At dito na nga sila napadpad.. sa lugar na tinatawag na "The Den of Evil". At sa lugar na ito magbabago ang takbo ng buhay niya.
The Crow Merchant by chufalse
chufalse
  • WpView
    Reads 97,603
  • WpVote
    Votes 6,131
  • WpPart
    Parts 93
Genre: Fantasy, Adventure, Action Si Lyze Erizalde Vorstin, prinsesa nang isang malaking bansa, kasama ang kaniyang tagapagsilbing si Sophia ay hindi inaasahang maglalakbay kasama si Crow, isang mangangalakal. Nangyari ito, matapos nilang madukot ng hindi kilalang mga lalaki sa kanilang palasyo at nangyari ito sa gitna ng isang piging. At nakilala nila si Crow, matapos silang mailigtas nito sa ilang mga bandido nang hindi sinasadya. Dito naisipan ni Lyze na sumama kay Crow, kahit hindi nito gustong may kasama. Subalit sa pagtagal ay tila natanggap na din sila nito ng tuluyan. Sa ngayon ay nasa kalabang bansa sila at patuloy na naglalakbay upang makabalik sa kanilang bansa. Subalit masyado itong mahirap para sa kanila, dahil na rin sa dami ng panganib na maaari nilang harapin sa paglalakbay. Gayumpaman ay nagagawa na ni Lyze na makibagay sa bago niyang mundo.
School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED) by chufalse
chufalse
  • WpView
    Reads 759,019
  • WpVote
    Votes 16,281
  • WpPart
    Parts 57
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon magmula ng mawala si Rain. Maraming nagbago sa kanilang section. Hindi na sila isang block-section, kaya ang iba ay nalipat sa ibang section; tulad nila David, Melisa at Krystine na napunta sa class wind-3. Napunta naman sila Aron, Chris at Sai sa class lightning-3. Napunta naman sa magkakaibang section ang magpipinsang Eyesdrap. At nanatili naman sila Mark, Annie, Selina, Lina, Alex at ang iba pa sa class fire-3. Ngayong taon lang nangyari ang ganito, kung saan naiba ang section ng mga istudyante. Mungkahi kasi ito ng ilang sa mga guro ng Olympus university na sinang-ayunan naman ni Zeus. Sa paraan kasing ito ay mas darami pa ang maki-kilalang mga mythical shaman/tao ng bawat istudyante. Sa ngayon ay hawak pa rin ng dating class fire-2 ang "Special classroom" na napalanunan nila sa naganap na "Duel event" nung nakaraang taon. Samantala, nasa mundo naman ng mga tao sila Drake at Rachelle, dahil hinahanap nila dito ang naging reincarnation ni Rain. Halos may dalawang taon na din silang naghahanap at sa ngayon ay wala pa ring balita sa mga ito.
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 234,461
  • WpVote
    Votes 9,931
  • WpPart
    Parts 27
Ano ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na walang kalaban laban o lumaban hanggang mamatay. Gaya po ng mga naunang pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo, ang kuwentong ito ay hitik sa labanan at siguradong pananabikan ninyo ang bawat chapter. Sana po ay tangkilikin din ninyo kagaya ng pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po. Dedicated to my wife and my kids Special thanks to my cover designer Ate Onang ( sa uulitin po :-))
Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 280,755
  • WpVote
    Votes 11,331
  • WpPart
    Parts 30
Hanggang saan ang kaya mong gawin para matulungan ang isang kaibigan? Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Joshua alyas " Lagalag " sa bundok ng mga naglalabanang engkanto para mailigtas ang kanyang kaibigan. Pinaghalong adventure, fantasy at suspense kaya siguradong mag-eenjoy kayo sa pagbabasa. Ito po ang Book II ng Joshua Lagalag Series, ang sequel ng Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel. Kailangan po ng konting "referencing" sa 2nd Chapter pero other than that, this is an entirely different story. Mas maraming kalaban, at mas maraming adventure ang susuungin ni Joshua upang mailigtas ang kaibigan at ang buong baryo ng Talisay. Gaya po ng sinabi ko sa Book 1, Ang mga pangalan ng tao, lugar, bagay, o pangyayari na ginamit sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. Tangkilikin po natin ang sariling atin. Thank You very much for the support! Happy reading!
Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 256,540
  • WpVote
    Votes 10,115
  • WpPart
    Parts 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo! Ito po ang Book III ng Joshua Lagalag Series . Para lubos na maintindihan, basahin po ninyo muna ang Book II ( Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it) at ang Book I ( Joshua Lagalag atang Aswang sa San Gabriel) Sana po ay mag-enjoy kayo at suportahan din ang aking gawang ito gaya ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong isinulat. Happy Reading! Special Thanks to my Cover Designer Ate Onang. Kuya Boyet13
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,889
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
ELEMENTO | Raw/Unedited by GilLandicho
GilLandicho
  • WpView
    Reads 1,364,896
  • WpVote
    Votes 37,367
  • WpPart
    Parts 164
PUBLISHED BY POP FICTION ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwala ka man o hindi, nandyan lang sila sa tabi-tabi... Ang mga ELEMENTO. ---- Apoy. Paulit-ulit ang bangungot ni Gino Ivan Lazaro gabi-gabi. Marami ding mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na tanging isang nagsasalitang itim na pusa ang nagbigay linaw. Nasa panganib ang kanyang buhay dahil sa isang kulto na nais siyang ialay upang muling buhayin si Gunaw, ang masama at malupit na datu na naghasik ng lagim noong bata pa ang Pilipinas. Magagawa bang makatakas ni Gino sa tinakdang masalimuot na kapalaran? Lupa. May isang engkanto ang nagkagusto kay Clarissa Gutang. Nagawa nito magpanggap at gayahin ang anyo ng taong lihim na minamahal ni Clarissa. May darating bang Knight-in-shining armor para Clarissa o tanggapin na lang niya ang alok ng malignong manliligaw? Hangin. Nakakakita ng mga multo si Junio 'Jun-Jun' Sta Maria. Araw-araw padami ng padami ang mga ito dahil lahat ng makita niya ay sumusunod sa kanya pauwi. Nakakarindi ang mga iyak at paghingi ng tulong ng mga multong ito. Nalagay sa panganib ang buhay ng isang tao na mahalaga sa kanya dahil sa isang multo. Kakayanin ba ni Jun-Jun huwag itong pansinin o tuluyan nang buksan ang pandinig at intindihin panaghoy ng mga multo sa paligid?
The Retired Hero by Ryuukage
Ryuukage
  • WpView
    Reads 7,019
  • WpVote
    Votes 572
  • WpPart
    Parts 67
Alexander Montefalco, a former hero who died after the kingdom that summoned him turned their back on him, was reincarnated as a reward for all the hard work he had done and all he wants to do now is to sit back and relax. But could he?