the prophecy series (2/6)
5 stories
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED] by pinkenmix
pinkenmix
  • WpView
    Reads 3,109
  • WpVote
    Votes 439
  • WpPart
    Parts 78
[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita na sila'y karapat-dapat bilang taga-buhay ng kapangyarihan ng dalawang espada. Kahit pa ang isa sa kanila'y may bahid na ng karahasan sa kaniyang ngalan. Gayunpaman, ang kaniyang kapalaran ay magbabago dahil lang sa isang nilalang na magtuturo sa kaniya ng daan patungo sa kabutihan. --- Content Warning / Trigger Warning : This story may contain torture scenes, mentioning of bloods, mentioning of blades, abduction, violence( action or words ), and death that may trigger some readers. Read at your own risk. If you know that it may cause you some discomfort, you are free to drop this book imediately.
The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED] by pinkenmix
pinkenmix
  • WpView
    Reads 1,157
  • WpVote
    Votes 258
  • WpPart
    Parts 60
[The Prophecy Series : Polyverian] Ang libro ng propesiya ay isang sagradong libro na tanging piling verian lamang ang may alam. Walang kahit sino ang maaaring makakita ng nilalaman nito, lalo na't hawak nito ang kasalukuyan ng Polyverian. Subalit isang kalapastanganan ang naganap na naging mitsa ng isang malaking kaguluhan. Ang mundo ngayon ng Polyverian ay nakasalalay sa isang dalagang magdadala ng unos at kaligayahan sa buong mundo kasama ng pagtuklas niya sa itinatago niyang kapangyariha't sandata---ang mga baraha ng qiver. --- Content Warning / Trigger Warning : This story may contain explicit scenes, mentioning of bloods, mentioning of blades, abduction, violence( action or words ), and death that may trigger some readers. Read at your own risk. If you know that it may cause you some discomfort, you are free to drop this book imediately.
The Prophecy Series #3 : Magnus Hominibus by pinkenmix
pinkenmix
  • WpView
    Reads 146
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 30
[The Prophecy Series : Magnesium] Nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Upang mabuo ang tatlong bahaging ito ng kasaysayan ng mundong nagsisilbing araw ng Magnesium, kinakailangan nilang magpadala ng iba't-ibang nilalang sa nakaraan at sa kasalukuyan. Ngunit isang pangyayari ang pumigil sa kanilang mithiin. Mas lalo pa itong nagunaw nang mapagtanto nila na ang may sala ng kaguluhan ay ang kapwa nila magnus na siyang nagtungo sa mundo ng mga tao. Ang tangi na lamang nilang pag-asa ay ang anim na nilalang na kanilang ipinadala sa nakaraan upang baguhin ang mga pangyayari sa hinaharap. Ito ay ang mga napili--ang Magnus Hominibus. --- Content Warning / Trigger Warning : This story may contain violence (action or words), explicit scenes, mentioning of bloods, mentioning of blades, abduction, and death that may trigger some readers. Read at your own risk. If you know that it may cause you some discomfort, you are free to drop this book imediately.
The Prophecy Series #4 : People of the Fort by pinkenmix
pinkenmix
  • WpView
    Reads 6
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
[The Prophecy Series : Fort] Isang hindi inaasahang paglalakbay ang nagbigay ng daan sa isang tao na alamin ang iba pang ganap sa kasaysayan ng kalawakan. Subalit sa paglalakbay na ito nakasalalay ang hinaharap ng mundo ng mga tao na pinropesiyang masisira ng isang nilalang. Dahil sa kanilang pag-aakala na ito'y uusbong dahil sa pagkikita ng apat na magkakaibang nilalang, kinakailangan nilang humanap ng kasagutan sa nakaraan. Ngunit ang naghihintay sa kanila ay isang sagot sa misteryo ng nakaraan na may mahalagang bahagi sa buhay ng tatlong diyos sa nakaraan maging sa kasalukuyan. ---- Content Warning / Trigger Warning : This story may contain mentioning of bloods, mentioning of wars, mentioning of deaths, and some traumatic words that may trigger some readers. Read at your own risk. If you know that it may cause you some discomfort, you are free to drop this book imediately.
The Prophecy Series #5 : The Book of Maglyaz by pinkenmix
pinkenmix
  • WpView
    Reads 7
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 1
[The Prophecy Series : Magnesium-Earth] Isang simpleng dalaga lamang si Jensen Lopez. Siya'y nag-aaral, gumagawa ng gawaing bahay at tumutulong sa kapwa sa simpleng paraan. Subalit, hingil sa kaniyang kaalaman, ang kaniyang nakaraan ang babago sa kaniyang kasalukuyan. Ang protektor ng mga Hominibus ay nabubuhay sa kaniyang katawan. Ngunit hindi doon natatapos ang kaniyang misyon. Naatasan siya na maging tagapangalaga ng libro ng propesiya na naglalaman ng impormasyon sa tatlong mundo sa ibabaw ng kanilang atmospera na siyang hinahanap ng tatlong anino mula mismo sa tatlong mundong ito. Bilang isa sa naatasan na mangalaga nito, ang tangi niyang magagawa ay pumili sa pagitan ng pagtupad sa misyon o pagprotekta sa mga tao na kaniyang pinanggalingan.