reincianoya
- Reads 102
- Votes 13
- Parts 12
Si Isabela Lopez ay isang dalaga na mestiza at ubod ng ganda. Kabilang ang kanilang pamilya sa matataas na estado ng buhay sa bayan ng Almera bagamat laganap ang mga tulisan sa kanilang bayan, isang hindi inaasahang pangyayari ang magiging daan para siya ay may makilala.
Naipagkasundo sina Agustin at Isabela ng kanilang pamilya na ikasal. Walang nararamdaman si Isabela kundi ang pagiging kaibigan lamang ni Agustin, ngunit paano naman ang nararamdaman ni Agustin? Ito ba ay ibabasura na lamang at kalilimutan? Pero paano kung ang pag ibig ay matutunan ni Isabela sa isang tulisan at hindi kay Agustin?
Ang pag ibig sa isang tulisan ay malaking kasalanan sa kanilang bayan, at kahihiyan kung ituring sa gaya nilang nasa mataas na estado ng pamumuhay. Paano kikilos si Isabela ng naaayon sa kaniyang isip at puso. Magagawa niya bang kalabanin ang kaniyang pamilya at bayan para sa isang tulisan?
Date Started: June 24, 2023
Date Finished: