hsjsns
5 stories
Mirren Academy of Spells by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 1,199,189
  • WpVote
    Votes 64,779
  • WpPart
    Parts 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Valencourt. *** Magic isn't real--except it is when Odeth wakes up as Olivia Valencourt, a student of Mirren Academy, a school for spell users like her. Well, like Olivia. Determined to find her way back home, she discovers the truth behind the once-alive abandoned town, and that she's not as much of a stranger to the place and to the person she's pretending to be. In finding friends, love, and herself while trying to change the town's fate, she finds that maybe Mirren Academy is already home. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Louise de Ramos
Dakilang Dayang by fevriyehiver
fevriyehiver
  • WpView
    Reads 1,186
  • WpVote
    Votes 68
  • WpPart
    Parts 2
Hinirang na Anito #11 Hindi malaman ni Carina Cordero ang mga pangyayari na paulit-ulit niyang napapanaginipan. Tila ba totoong naganap ito sa kanya noon at napapaisip siya kung may kaugnayan ba ito sa dati niyang buhay. Dumagdag pa ang dalawang tao na lagi na lang nakabuntot sa kanya. Labis siyang naguguluhan kung bakit nakasunod ang mga ito sa kanya kahit na ilang beses niya pa itong itaboy. At pilit din siyang sinasabihan ng dalawa na sila'y kanyang kaibigan noon pa mang bata pa sila na siya namang hindi niya pinaniniwalaan sapagkat wala siyang naging kaibigan simula bata pa lamang. Subalit paano kung dumating ang araw na malaman niyang nasa harap na pala mismo niya ang kasagutan sa mga tanong niya sa kanyang sarili noon pa man? Papaniwalaan niya kaya ito? O hahayaang ang sariling mabilanggo sa mga katanungang maski sa sarili niya ay hindi niya masagot?
Bahala Na by _gabriyel
_gabriyel
  • WpView
    Reads 1,102
  • WpVote
    Votes 108
  • WpPart
    Parts 5
❈ ONGOING ❈ Hinirang na Anito #10 Sa likod ng bawat kidlat, tambol ng kulog sa mga ulap, at sa pagbuhos ng ulan, nakatanaw ang makapangyarihang nilalang na sinasamba ng karamihan. Siya'y nakamasid, nagbabantay, at tumutugon sa bawat kahilingan. Doon sa kasukdulan ng Kaluwalhatian, sa isang malaking tronong ginto ng isang malaparaisong kaharian, nananahan ang pinakamakapangyarihang diyos ng mga nilalang. Siya ang diyos na nakaaalam ng lahat. Sa kanyang kapangyariha'y walang makatatapat. Siya ang hari ng mga hari, ang dakilang pinuno ng lahat ng diyos, ng mga anito. Sa kabila ng kanyang perpektong kaganapan at kapayapaan, isang banta ang sa kanyang trono ay nag-aabang. Isang hamon ng panganib at kaguluhan na dulot ng mga katagang... "Bahala na." ❈ Credits to @geksxx for the story cover. ❈ | 02 | 14 | 2022 |
Silakbo ng Marahuyo by hikariwanders
hikariwanders
  • WpView
    Reads 1,310
  • WpVote
    Votes 137
  • WpPart
    Parts 3
ON-GOING | Hinirang na Anito #9 ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Ilang siglo pa man ang lumipas, ang mga marka ng nakaraan ay mananatiling nakatatakat sa puso't isipan ng sangkatauhan. Mula sa ipinagpasa-pasahang mga salita hanggang sa mga teksto, ang walang katapusang gulo ng Kaluwalhatian at Karimlan ay nakalimbag. Bawat ninuno'y may natatanging alamat na bumaon sa kanilang isipan; isang anito ng kasamaang sapantaha'y matagal nang yumao. Sapagkat sa tinagal na panahong ang kapayapaan ay namuno, walang kasiguraduhan kung ang kahamakang ito'y tuluyan nang nilisan ang mundo. Ngunit sa paglubog ng araw sa himpapawid, ang mga nakagigimbal na pangyayari sa nakaraan ay manunumbalik. Sa kalagitnaan ng kagalakan at kapayapaan ng gabi, ang Silakbo ng Marahuyo ang susupil sa Kaluwalhatian, at sa paglaganap ng peligro ay magbubunyi ang isang namumuno sa dagap ng Karimlan.
Atarah: Bagwis ng Haraya by xiwven
xiwven
  • WpView
    Reads 1,142
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 4
HINIRANG NA ANITO #6 SI ATARAH ay isang taong sanay mamuhay maralita. Isa siyang dalaga na sa simula pa lamang nang magkamalay sa mundong ginagalawan-na kung saan kung hindi siya kikilos ay hindi magkakaroon ng laman ang kaniyang kalamnan-ay natuto nang makibaka at gumawa ng sariling pagdaloy ng kaniyang tadhana. Maaga siyang namulat sa reyalidad at hirap ng buhay na naging dahilan kaya naman nang may kaunting liwanag na sumilip sa madilim niyang kinasasadlakan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na bitiwan ang kung ano ang kaniyang nasa likuran upang sunggaban iyon na sanang magsisilbi niyang kinabukasan. Subalit, hindi lahat nasusunod sa kagustuhan ng tao. Ang liwanag pala na iyon ay panandalian lamang na tila paghahabol sa hangin-walang kabuluhan. Matapos noon, isang mahabang pagkalito na lamang ang tumalima sa kaniya. Ano na nga ba ang nangyayari?