My Own Stories
11 stories
Loving My Heartbroken Man by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 2,526
  • WpVote
    Votes 49
  • WpPart
    Parts 2
Story of Sandro in His Way of Revenge (HWOR) Si Caryl Arellano,ang babaing matagal ng umasam at naghintay na mahalin ng kanyang kababata na si Sandro Santana. Ngunit kahit katiting na pagmamahal ay di ito kayang ibigay dahil may mahal itong iba. At yun ay si Allison Sandoval. Ang babaing kinaiinisan niya.Ang babaing nang-iwan sa kababata niya. Kaya gagawin niya ang lahat,mahalin lang siya nito. At makalimutan na rin ang babae. Dahil sa determinado siyang tulungan ito,nag-offer siya ng kasal rito. May pag-asa pa kayang mapawi niya ang sakit na nararamdaman ng kababata sa babaing minahal nito ng sobra?Paano niya makukuha ang puso nito?Sa anong paraan? Handa na ba siyang harapin ang mga pasakit na mararanasan sa piling ng lalaking,wasak ang puso? Natutunan nga ba talaga ang pag-ibig o maniniwala na lang siya sa 'True Love Never Dies'? Please read po. Thank you!
Ang Fiancée Kong Biyuda by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 1,946
  • WpVote
    Votes 26
  • WpPart
    Parts 2
Ito'y kwento ng... Isang binatang mahangin.Signal number 3 sa lakas.Ggss,malakas ang sex appeal kono ayon sa kanya.Isang kindat niya lang daw ay kusa ka na lang susunod sa kanya sa kung saan niya gustuhin.Dinadagsa daw siya ng mga kababaihan kapag lumabas na ng bahay.Lahat daw,sinisigaw ang kanyang pangalan at halos sambahin na siya.Mapapatili ka daw sa tuwing dadaan siya sa harapan mo.Well,naniniwala ba kayo? Eh paano naman itong si Summer?Pangalan pa lang,mainit na 'di ba?Oo,hot na hot siya.As in.Iyong hot niya na hindi mo nanaisin.In short,mainitin talaga ang ulo niya.Superb.Parang palaging may nakabaon na apoy sa utak niya.Siguro nga,ganito talaga kapag balo.Yes!Biyuda as in widow.Ikaw ba naman ang maagang mawalan ng asawa 'di ba? Subalit sa pagkukrus ng mga landas ng dalawang ito,may pag-asa pa kayang magkakasundo sila o sabihin na nating,may possibility ba na may mamumuong pag-ibig sa pagitan nila? Omg!Paano na?Isang ubod ng hangin at isang mainitin na mga nilalang ay pagtatagpuin ng tadhana? Siguradong palaging may sunog 'to.Kung may hangin kasi,lumalakas ang apoy. Perfect combination sila 'di ba?Magliliyab din kaya ang pag-iibigan nila? So ano ang mangyayari?Si Summer na ba ang magiging karma ni Froilan Samañego?Froi for short daw.Papatol kaya siya sa isang byuda? Tara na at samahan si Froi sa kung saan niya gustuhin este tara na at samahan natin sila sa kanilang kwento. Read at your own risk.
Mithika by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 360
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 3
Isang babaeng nilalang na may kakaibang kapangyarihan sa kanilang kaharian. Hinangad ng lahat na makukuha ang kanyang angking kapangyarihan ngunit bigo sila dahil kailanma'y hindi nila mapapantayan ang angking kapangyarihan nito. Naging paborito ng hari.Inalagaan at binigyan ng kakaibang trato. Subalit,may isang nilalang na nakatakdang maging kahinaan niya.At ito ay wala sa kanilang mundo kundi sa mundo ng mga mortal.Ang mundo na kung saan ang tanging may kapangyarihan lang na magbagong anyo katulad ng mga mortal ang pwedeng makarating rito.Ang mundo na ito ay tinatawag nilang Ertaryo. Sino nga ba si Mithika?Magtatagpo kaya ang landas nila ng nilalang na nakatakdang maging kahinaan niya?Sino ito?At ano ang kanyang magiging kapangyarihan at papel sa buhay ng nag-iisang may kakaibang kapangyarihan sa kaharian ng Terithorem? Paano pagtatagpuin ang mundo ng Ertaryo at ang mundo ng Marza? Abangan po ang kakaiba at bago kong kwentong ito.(Kunwari Totoong Author ako.Lol!) Please read at your own risk.
Unlucky Princess by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 108,685
  • WpVote
    Votes 3,495
  • WpPart
    Parts 40
May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lahat,sinaktan mo ng sobra?Paano mo maibabalik ang dating pagmamahal niya sa 'yo gayung siya na mismo ang lumimot? Meet Vincent Jacob Samonte-isang lalaking nabubulag sa totoong nararamdaman. At siya naman si Bernice Romero.Prinsesa kung ituring ng lahat.Pero tanging sa isang tao lang siya malas.At ito ay ang taong kanyang lubos na minamahal. Hanggang kailan at hanggang saan sila dadalhin ng kanilang mapaglarong kapalaran? May happy ending pa ba sa kanila?O hanggang alaala na lang ang kanilang kwento? Kaya basahin na at tunghayan kung hanggang saan ang kanilang kwentong pag-ibig.
Chasing My Ex-Mistress by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 150,362
  • WpVote
    Votes 3,068
  • WpPart
    Parts 33
Siya si Miesha Alcantara.Ang babaing nagmahal sa maling tao at pagkakataon.Siya ang babaing hinusgahan kahit pa inosente siya.Siya ang babaing masama sa paningin ng mga tao.Siya ang babaing binansagang malandi at higit sa lahat ay tinawag siyang kabit o mistress. Siya naman si Javier Dela Vega.Ang lalaking nanggago kay Miesha.Pero paano niya masisisi ang sarili niya kung nagmahal lang siya? At ngayon,dahil sa kagaguhan niya,wala siyang magawa kundi ang makabawi sa mga kasalanang nagawa niya kay Miesha.Ang babaing sobra niyang mahal.Wala siyang pakialam kong maghabol man siya ng maghabol sa babaing galit na galit sa kanya.Kahit pa ipagsigawan niya sa mundo na I am CHASING MY EX-MISTRESS! Subaybayan ang kwento nina Javier Dela Vega and Miesha Alcantara. Story of Miesha and Javier ng "His Way of Revenge." So please support them.
My Bodyguard Is My...What?! (Completed) by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 498,672
  • WpVote
    Votes 12,072
  • WpPart
    Parts 43
Paano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkatao ng isang Mico Aragon? At paano siya naging bahagi ng buhay ng isang Violet Fernandez aka Miss V? Subaybayan po natin ang pagkatao ng ating mga bida.
Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed) by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 1,723,068
  • WpVote
    Votes 33,351
  • WpPart
    Parts 51
He's my ex-boyfriend. He kidnapped me ng mga panahon na gusto ko na siyang kalimutan at ibaon ang mga alaala na iniwan niya sa akin.Nang mga panahon na ikakasal na ako sa iba saka niya ako ginambala. Dinala niya ako sa malayong lugar na kung saan, kaming dalawa lang ang naroon. Sa kabila ng pag-kidnap niya sa akin ay umasa pa rin ako.Umaasa pa rin ako na mahal niya na ako. Sa piling niya,inalagaan niya ako at ipinaramdam na mahal niya ako.Kahit pa malupit siya sa akin. Pero ayoko ng maniwala sa kung ano ang mga pinapakita niya sa akin.Siya pa rin ang Jacob Samonte na nakilala ko noong college.Siya pa rin ang ex-boyfriend ko na mapagkunwari sa totoong damdamin niya.Siya pa rin ang lalaking makapangyarihan. At ngayon,hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako pakakawalan.Alipin niya na nga ang katawan ko,pati ba naman puso ko ay alipin niya pa rin? Too much na.Ang sakit na. Mahapdi na sa mga mata ko. Ako si Railey Flores,kidnapped by my ex-boyfriend.
Forbidden Love (Completed) by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 486,494
  • WpVote
    Votes 10,038
  • WpPart
    Parts 56
Masarap daw kapag bawal. Lalung-lalo na sa pag-ibig.Parang bawal na gamot din daw ito na nakaka-adik. Meet Jychel Mae Olivarez.Ang nag-iisang anak ng Mayor.Laki sa layaw.Walang sini-sino,walang sinasanto at higit sa lahat ay di naniniwala sa tinatawag nilang pag-ibig.Para kasi sa kanya, ang pag-ibig ay para lang sa mga hangal. Pero nagbago ang lahat ng pananaw niya sa buhay ng makilala si Benjamin Villafuente.Ang lalaking nagpatunay sa kanya na ang pag-ibig ay umi-exist. Ngunit sa pag-ibig,marami ang humahadlang at gustong sirain ang wagas nilang pagmamahalan. Paano kaya nila mapagtagumpayan ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa kayang magkasama sila ng habang buhay? Story of Jychel Mae and Benjamin ng "My Amazing Alalay" Please support them. Thank you.
Our Ridiculous Fate (Completed) by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 548,122
  • WpVote
    Votes 14,076
  • WpPart
    Parts 49
Kevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang.Ang pinakaayaw ni Jasmine Imperial sa isang lalaki. Kaya nanumpa sila sa kani-kanilang sarili na "they never fall in love sa isa't-isa." Pero paano kung ang sarili nilang mga puso ang kusang tumibok?Paano kung sadyang gumagawa ang tadhana ng paraan upang paglapitin sila? Kaya ba nilang balewalain ang tinatawag na PRIDE? Basa-basa na po.Romance Comedy po ito. Thank you!
My Amazing Alalay (Completed) by BeWIXyGirl_Wp
BeWIXyGirl_Wp
  • WpView
    Reads 978,476
  • WpVote
    Votes 22,783
  • WpPart
    Parts 41
Personal Assistant(Alalay) niya ang pinakamagandang babae na nakilala niya sa buong buhay niya.At di niya inasahan na unti-unti na niyang minamahal ito. Siya na sikat na actor,dinudumog,dinadagsa at pinagpapantasyahan ng mga kababaihan ay mai-inlove sa isang alalay? Ang alalay niyang makulit,isip bata kung minsan at pasaway. Siya na may iniingatang pangalan.Siya lang naman si Arthur Romero. Akala niya noong una,kaya niyang labanan ang nararamdaman niya dito.Maling-mali pala siya.Lalo siyang napamahal dito.Handa siyang gawin ang lahat para sa babaeng minamahal.Ang kanyang alalay na si Catherine Supladico Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat.Ang tanong,kaya niya bang iwan ang lahat para lang sa kanyang P.A na mahal niya?Alam niyang marami siyang pinagdaanang hirap,marating lang ang kinalalagyan niya ngayon.