Sitio Feliza Series
2 stories
At the Crack of Dawn (Sitio Feliza Series #1) by La-MarGa
La-MarGa
  • WpView
    Reads 1,352
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 42
Bata pa lamang ay nabighani na ng bukang-liwayway si Chantria dahil sa dulot nitong kakaibang tanawin at pakiramdam. Mas pipiliin niyang bumangon ng napakaaga kaysa maghapong humilata para lamang masilayan ito. Hindi kalauna'y may isang batang lalaki ang sumunod-sunod sa kanya saan man siya magpunta. Sinamahan siya nito hanggang sa kanyang pagsilay sa bukang-liwayway tuwing umaga. Kung si Chantria ay nabibighani sa pagsikat ng araw, ang batang lalaki nama'y nabibighani sa pagtama ng sikat ng araw sa marikit na mukha ni Chantria. Ngunit sa biro ng tadhana, dumating ang umaga na pareho nilang tatalikuran ang pagsikat ng araw upang harapin ang madilim na realidad ng buhay. Pareho nilang napagtanto na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sisikat ang araw sa kanilang mga buhay dahil madalas ay ang pag-asang hatid nito'y pawang kathang isip lamang para sa kanilang mga dukha at hindi pinagpala. Sa kabila ng mahabang panahon na nasayang at sa magkaiba nilang mundo, muli pa bang sisikat ang araw at pagtatagpuin ang kanilang landas sa huling pagkakataon? --- "Because at the crack of dawn, what we get is the sunrise. The very symbol of new beginning and hope. A new life for us both. We now have the chance to start over again and repaint the hues of our skies into one single beautiful spectrum."
Reach for the Cloud Nine (Sitio Feliza Series #2) by La-MarGa
La-MarGa
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Sa murang edad ay namulat na ang isipan ni Ramona sa maraming oportunidad na mayroon sa ibang bansa. Hindi siya ipinanganak na dukha, ngunit alam niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. At nais niyang hanapin iyon sa labas ng lupang kanyang tinatapakan. Alam niya sa sarili na hindi kayang ibigay ng kanyang bayan ang malaking oportunidad na gustong makuha. Sa murang edad ay hinahangad niyang dumayo sa ibang bansa at masilayan ang ganda ng mga ito. Para sa kanyang pamilya at kaibigan ay pawang kathang-isip lamang ang gustong mangyari ni Ramona. Dahil rito ay sinubukan niyang bitawan ang suntok sa buwan na pangarap. Naguluhan siya sa kung ano ba talaga ang direksyon ng kanyang buhay. Ngunit dumating sa kanyang landas ang isang lalaking magiging pag-asa niya upang patunayan ang kanyang paniniwala at maabot ang pangarap. Lubos siyang sinuportahan ng lalaki dahil nakita nito ang ningning sa kanyang mga mata nang ideklara niya ang kanyang plano sa buhay. Subalit sa kabila ng malaking pag-asang hatid ng lalaki sa kanya at sa kasiguraduhan ni Ramona, natuklasan niya na kapag mabilis mong ibinigay ang iyong tiwala sa isang tao ay mabilis din itong mababasag. Hindi niya akalaing iiwan siya sa ere ng mga taong pinaka-inaasahan niya. Sa lahat ng masakit na pinagdaanan nila at sa muling pagkikita, may pag-asa pa bang lumiwanag ang kalangitan nilang binalot ng makapal na ulap at maabot na sa wakas ang alapaap? --- "There are different types of clouds such as cumulus, nimbus, stratus and so on. But ever since I was a kid, I have only known one type of clouds that I've always wanted to see. It's identified with extreme happiness and reaching it is probably the ultimate goal of every human being. And now, I am happy to tell myself that I've finally reached my cloud nine."