THE WYRD UNIVERSE
3 hikaye
PHILIPPINE GODS tarafından Demon_Celvino
Demon_Celvino
  • WpView
    OKUNANLAR 1,902
  • WpVote
    Oylar 48
  • WpPart
    Bölümler 4
"Maghanda ka sa paparating na bagyo-at mahuhulog ka sa gitna nito." Sa gitna ng ilang taong pangungulila, gagawin ni Markus ang lahat upang maibalik ang oras at mahagkan muli ang yumaong asawa. Manhid at walang takot sa kung ano mang dalhin ng kapalaran, tinahak niya ang isang mapanganib na paglalakbay. Ang kanyang misyon? Hanapin ang kataas-taasang diyos na si BATHALA, upang hilingin-o piliting-ibalik ang kanyang minamahal. Ilang linggo matapos siyang umalis, tuluyan nang nawalan ng balita kay Markus. Dahil dito, ang kanyang mga anak na sina Alastair at Bea ay magpapasya ring maglakbay upang hanapin ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap, matutuklasan nila ang mga nakabaong sikreto ng nakaraan: ang mga mitolohiya, alamat, at mga nilalang na itinuturing na lamang na kathang-isip sa modernong panahon ay totoo pala. Dito rin nila malalaman ang tungkol sa isang paparating na digmaan sa pagitan ng Kaluwalhatian at Kasamaan-at sila ang nakatadhanang mahulog sa gitna nito. Isang kagila-gilalas at mapanganib na pakikipagsapalaran ang naghihintay. Sa mahabang panahon, ang mga Diyos ng Pilipinas ay tahimik lang na nagmamasid. Ngayong magbabalik na sila, handa ka na bang harapin ang kanilang tunay na layunin?
The Missing Piece tarafından Demon_Celvino
Demon_Celvino
  • WpView
    OKUNANLAR 2,356
  • WpVote
    Oylar 12
  • WpPart
    Bölümler 1
Sa bawat litrato, may istoryang pilit itinatago. Sa bawat kuha, may aninong naghihintay sa dilim. ​May isang matandang pamahiin sa Pilipinas na madalas nating marinig mula sa mga matatanda: "Kapag kumuha ka ng larawan at may nawawalang bahagi sa katawan ng kinalabasan nito, malapit na siyang mamatay." Para sa karamihan, isa lamang itong lumang kasabihan na ginagamit upang manakot. Ngunit paano kung ang bawat "bura" o "blankong bahagi" sa papel ay hindi depekto ng kamera-kundi isang listahan? Isang marahas na babala na ang bahaging kulang sa litrato ay ang susunod na puwersahang kukunin sa iyo sa totoong buhay? ​Kapag ang mga mata mo ang sunod na nabura sa portrait, wala kang magagawa kundi panoorin ang sarili mong katapusan. ​Ihanda ang sarili sa isang madilim na paglalakbay kung saan ang bawat kuha ng lens ay may katumbas na dugo. Dahil sa oras na mapindot ang shutter, maaaring ang hawak mong litrato... ang maging huling alaala mo. Pagkat sa larong ito, walang sinuman ang makatatakas hangga't hindi nakukumpleto ang bawat nawawalang piraso. THE MISSING PIECE | JustCoast ORIGINAL DATE : Nov 2016 - May 2018
+9 tane daha