bberrypie4
Sa loob ng mataas at matayog na bakod ng Saint Christophe Academy, may mga batas na hindi mo kailanman dapat labagin. Ang pinakamahalaga sa lahat? Rule No. 7: Huwag mo kailanman gagalitin o iinisin si Kenzo Jace Alvarado.
Si Kenzo, ang Heir ng makapangyarihang Montenegro Conglomerate, ay ang Hari ng Campus at isang kilalang bully na may tatlong loyal na alagad. Ang mundo niya ay umiikot sa power, control, at walang-awang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa kaniyang awtoridad.
Ngunit may isang tao ang tila walang takot at masisiyahan pa-na sirain ang perfect na imahe niya: si Cassie Dalisay Buenavista. Isang simpleng estudyante na walang interes sa trono ni Kenzo, ngunit may zero tolerance naman sa mga nang-aapi. Para kay Cassie, ang pagiging bully ni Kenzo ay ang kaniyang trigger, at ang pagiging iritable ni Kenzo ang kaniyang libangan.
Kapag ang Bully Heir ay nahumaling sa nag-iisa at palaban na babaeng walang takot na inisin siya, ang paglabag sa Rule No. 7 ay magiging isang deadly na laro ng pag-ibig at obsession na magsisimula sa detention at magtatapos sa delirium.