Harlot_Nicolette
Si Maria Isabella o mas kilala bilang Bella ay isang manlalakbay sa sarili niyang buhay, naliligaw sa mundong hindi niya matanggap. Parang ang lahat ng nasa paligid niya ay isang kulungan, walang saysay, at ang kalayaan na matagal na niyang hinahanap ay tila laging isang hakbang lang na malayo.
Pero hindi na siya bago sa paghihirap. Sumusulat siya para mabuhay. Gumagawa siya ng mga kwento kung saan ang sakit ay walang katapusan, at ang bawat karakter ay kailangang maranasan ang pighati na kanyang naranasan. Sa kanyang mga akda, walang ligtas. Walang pahinga.
Hanggang isang araw, ang mga nilalang na nilikha niya sa papel... ay naging bahagi ng kaniyang buhay.
Ang kanyang mga karakter, mga nilalang na pinuwersa niyang magdusa sa kanyang kwento ngayon ay lumabas mula sa kanyang imahinasyon.
Galit. Nais ng paghihiganti. At hindi sila narito para iligtas siya.
Nais nilang parusahan siya.
Ang mga dating walang kaluluwa, mga karakter na nilikha niya, ngayon ay totoong-totoo may isang layunin: SIYA.
Ngayon, wala siyang ibang matakasan. Ang mga ito ay ang kanyang mga nilalang. Ang mga karakter na siya mismo ang nagpasakit. At sila ay nagnanais ng kanya, ang KATAWAN, ISIPAN, at KALULUWA niya.
Ano ang mangyayari kung ang mga villain ang magiging mga bayani? Kung ang mga mundo na kanyang isinulat ay magiging katotohanan?
Makakawala ba siya sa mga nilikhang paghihirap o magiging laruan na lang siya ng mga halimaw na siya mismo ang gumawa?
---
QUEEN OF DESIRE
A POLY NOVEL
All rights reserved
Started July 2025