Last_Owl's Reading List
4 stories
Bloodline of the Dragon by Last_Owl
Last_Owl
  • WpView
    Reads 90
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 5
Ashtyr: Tales and Legends 01: Bloodline of the Dragons Ang ikatlong bahagi ng kalupaan ng Arten ay binalot ng kadiliman at malamig na klima na pinaghaharian ng mga Skinge. Sila ang mga natatanging nilalang na nagtataglay ng mahika at kapangyarihan na kinatatakutan sa buong lupain. Ito ang kwento ni Hero, isang bata na napili ng mga dragon upang maging apoy na mag-aalab sa gitna ng kadiliman at siyang magbibigay liwanag at kalayaan mula sa mga Skinge. Paano niya lalabanan ang mga naghaharing nilalang kung isa lamang siyang pangkaraniwang bata? Sapat ba ang lakas ng kalooban upang wakasan ang walang hanggang kadiliman sa lupain upang masilayan ang mainit na liwanag ng isang tunay na umaga?
The Cold Mask And The Four Elements (Book 1) by elyon0423
elyon0423
  • WpView
    Reads 110,038
  • WpVote
    Votes 4,423
  • WpPart
    Parts 82
***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernandez. Nakipagkasundo siya sa dating sisidlan ng apat na elemento kapalit ng masaganang buhay ng kanyang pamilya. Pinatay ang dati nitong buhay at pinalitan ang pagkakakilanlan upang maisakatuparan ang lahat ng dapat niyang gawin sa lugar na pinapangarap ng mga tao sa Pilipinas na mapuntahan. Ang Winter Town. Ito ang town kung saan umuulan ng snow mula November hanggang February. Natutunaw pagdating ng March hanggang May, summer naman pagdating ng June hanggang August, at taglagas pagdating ng September hanggang October. Ang goal ni Elyon ay mag-aral sa Winter Academy bilang ordinaryong estudyante, mag-training sa kamay ng malupit na si Master Hagiza, at makuha ang loob ng apat na Elemento. Subalit paano niya ito magagawa? Kung sa pagpasok sa Winter Town ay marami ang nagnanais na makuha rin ang medalyon na magsisilbing pansamantalang kulungan ng apat na elemento. Kung sa pagpasok sa Winter Academy ay hindi magiging masaya ang buhay estudyante ni Elyon dahil kailangan pa nitong magsuot ng maskara upang proteksyunan ang tunay niyang pagkakakilanlan. Kakayanin ba niya? Kakayanin ba niyang maging sisidlan? Karapat-dapat nga ba siyang magbalanse ng mundo?
QUINRA [Volume 1] by NowhereGray
NowhereGray
  • WpView
    Reads 562,989
  • WpVote
    Votes 28,375
  • WpPart
    Parts 66
Volume 1 of Quinra series Matapos ang isang daang libong taon ay nagising si Avanie mula sa mahimbing na pagkakatulog at nalaman niyang nawala na ang lahat sa kanya. Ang kaharian nila, ang mga magulang niya pati na ang mga mamamayan ng kinalakihan niyang lugar. Kaya naman sumumpa siya na hahanapin ang kaharian ng Rohanoro at ang katotohanan sa pagkawala nito. Date started: February 2016 Date ended: March 2017
QUINRA [Volume 2] by NowhereGray
NowhereGray
  • WpView
    Reads 213,955
  • WpVote
    Votes 13,521
  • WpPart
    Parts 36
Dahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay nito. Dalawang labanan na magaganap sa magkaibang mundo, mga lihim na mabubunyag at alaalang magbabalik na maaaring maging susi para mahanap ang nawawalang kaharian.