Ginang_Lily
Ito ay tungkol sa babaeng Watt-PADER este Wattpader,di kagandahan pero mayroong napakataas na standards sa lalaki as in napakataas high na high talaga mga besh...pero sa generation natin ngayon? may mahahanap pa kaya siyang katulad ng mga naggagwapuhang fictional characters sa mga sikat wattpad stories nowadays..
Well ang mga ito lang naman ang mga standards niya sa lalaki..gusto niya yung kasing bad boy ni Jeydon Lopez,maginoong tulad ni Juanito Alfonso,kasing astig ni Ezekiel Roswell, kasing-angas ni Deib Lohr Enrile...at siyempre kasing pogi ni Ace Craige..
Pero kung susuriin mo yung standards e may lalaki pa kaya ngayong papasa sa standards niya o tatanda siyang dalaga kagaya ng Ate niyang napaka-workaholic hay nakuh...ano nakabuo na ba kayo ng hypothesis? sa kahihinatnan ng luv story ng babaeng ito?..
Makakamtan niya kaya ang pagibig na inaasam..oh mabubuhay na lamang siyang umaasa na dumating ang araw na isa sa fictional character na kinaiibigan niya sa libro ay magkatotoo..hmm, di naman masamang mangarap..pero hindi rin maganda ang magpabulag sa iyong pangarap na napakaimposible namang mangyari..
Ngunit malay ba natin na higit pa pala sa pangarap mo ang magkatotoo at mapasayo..