SightThisGirl
Prologue:
Si Reanne Reyes ay isang senior highschool student na nag-aaral sa Xavier
Academy Highschool. Kilala siya na isang aktibo at napakatalinong mag-
aaral ngunit pinamagatan din siyang isa sa mga masungit at malditang
mag-aaral. Kasa-kasama niya yung tatlo niyang mga kaibigan na sina Joy,
Hazel at Paula. Sila ang parating nagkakasundo at nagdadamayan sa isa't
isa..
Isang araw, nagkakilala sina Reanne at Liam Scherduel na siyang apo ng
may ari ng school na pinag-aaralan niya, naging malapit sila sa isa't isa
na siyang dahilan kung bakit nagseloselos si Bryan Francisco , isang
secret admirer ni Reanne simula pa nung first year. Natatakot siyang
sabihin kay Reanne ang totoong nararamdaman niya dahil baka mapahiya lang
siya at pagtawanan lang siya ni Reanne.
Hanggang humantong ang pakikipagrelasyon ni Liam kay Reanne na siyang
ikinagalit ni Bryan kay Liam. Tuwang-tuwa si Reanne sa mga nangyayari, at
sinabi pa niya sa kanyang sarili na naniniwala na siya sa "DESTINY"
ngunit di niya alam ang nasa likod ng destiny na sinasabi niya. Si Bryan
naman ay super protective kay Reanne at ayaw niyang masaktan ito. Kahit
na ipinagtataboy siya ni Reanne pilit parin niya itong dinadamayan.
Hindi nila inakalang darating yung araw na mangyayari ang hindi
inaasahang mangyari. Ngunit nagpatuloy parin si Reanne sa paghihintay at
binabalewala niya lahat ng mga nangyayari sa buhay niya hanggang sa
narealize niya na hindi na tama yung ginagawa niya. Saka niya narealize
na may isa palang tao na naghihintay sa kanya ngunit binalewala lang
niya... Totoo ba talaga ang tinatawag na DESTINY? Sino kaya ang ma-iiwan
at sino ang mang-iiwan? Bakit nga ba tinawag na BROKEN DESTINY?
Personal Property of SightThisGirl
All rights reserved,
Copyright 2015