Historapidido's Reading List
4 stories
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,682,660
  • WpVote
    Votes 587,278
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,412,366
  • WpVote
    Votes 41,474
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Way Back To 1898 by WhiteGelPen
WhiteGelPen
  • WpView
    Reads 9,897
  • WpVote
    Votes 755
  • WpPart
    Parts 39
Nang yayain si Thalia ng kanyang mga kaibigan na sumama sa isang road trip, buong pag-aakala ni Thalia ay magiging masaya iyon at puno ng mga magagandang alaala. Subalit nang pumasok siya sa isang lumang museo na kilala sa lugar ng kanyang kaibigan, napukaw ng isang napakagandang obra ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya ang kanyang atensiyon. Nakaramdam siya ng kakaibang koneksiyon sa larawan pero hindi niya na lamang iyon pinansin. Buong akala niya ay dala lamang ng paghanga sa naturang obra ang kanyang naramdaman. Subalit nang magising siya sa isang hindi kilalang lugar ay unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat ng pangyayari. Kung ano ang kinalaman niya sa taong iyon, at kung anong papel niya sa mundong pinagdalhan sa kanya ng obra sa larawan ay hindi niya alam. Date started: July 10, 2025 Date ended: - All right reserved © 2025 Plagiarism is a crime.
Bond Between Us by Serenabelle-WP
Serenabelle-WP
  • WpView
    Reads 962
  • WpVote
    Votes 85
  • WpPart
    Parts 3
Isang babaeng nagmula sa kasalukuyan ang mapupunta sa ibang mundo at nakaraan. Sa ngalan ng kaniyang pagbabago, kaniyang masasaksihan ang lahat ng nakatakdang kaganapan. Ngunit sa kabila ng inaakala niyang mundong walang bahid ng problema, ano kaya ang mga sikretong nakakubli sa bawat isa?