princessuchuaneri
Doctora at Seaman
Writer: Princess cheryl tizon
Hanna Dela Fuente; isang babaeng labis kung magmahal; mayaman at may taglay na kagandahan; matalino at isang Doctor, ngunit sa kasamaang palad ito ay nabigo sa pag-ibig dahil sa mismong kasal nito ay hindi siya sinipot ng kanyang nobyo.
"Mommy.. mommy okay lang po ba kayo? Mom, please lumaban ka!" naiiyak na sabi ni Hanna sa kanyang ina dahil hindi nito matanggap ang kahihiyan na sinapit ng kanilang pamilya.
Isa sila sa pinakamayaman sa buong Baguio City, kaya naman kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa buong lungsod.
Isang Seaman naman si Ranval Suarez; isa itong Engineer onboard; ng malaman niya na may iba na ang kanyang nobya sa Pilipinas na si Marga Gonzalez (apat na taon niyang naging kasintahan ang babae) labis siyang nasaktan lalo ng nalaman na magpapakasal na pala ito sa iba.
At sa hindi inaasahan na pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Hanna at sila ay nagkapalagayan na ng loob, at hindi nagtagal naging magkasintahan sila nito.
Ngunit papaano kung isang araw pagtagpuin ang kanilang mga landas; ang dating nobyo ni Hanna na si Alex Gomez na isa din Seaman, at ang nobya naman ni Ranval Suarez?
Maitutuloy pa kaya ang pagmamahalan nina Hanna Dela Fuente at Ranval Suarez?
ABANGAN. . .
Story of: Hanna Dela Fuente & Ranval Suarez