araegii
- MGA BUMASA 516
- Mga Boto 21
- Mga Parte 3
Sa kaharian ng Maynilad, kilala si Lakan Apolo bilang malamig at hindi matitinag. Isang haring walang kinahuhumalingan kundi kapangyarihan.
Hanggang sa isang hapon, sa tahimik na batis ng kabundukan, nasilayan niya ang isang lalaking naliligo sa ilalim ng araw.
Si Killian, anak ng isang heneral, walang dugong bughaw, ngunit taglay ang katawan at anyong tila likha ng mga diwata.
Mula sa isang sulyap ay naging silakbo.
Mula sa pagnanais ay naging pagnanasa.
At sa katahimikan ng gabi, ito'y naging kasalanan.
Hindi siya dapat mahumaling.
Hindi sa isang lalaking walang dugong bughaw. Pero ang bawat haplos, halik, at daing ni Killian ay naging bisyo, naging libog, naging pag-ibig.
Ngunit anong mangyayari kung ang malamig na hari ay tuluyang malunod sa init ng isang pag-ibig na hindi dapat umusbong?
Hanggang kailan kayang itago ng isang hari ang pagnanasa... kung ang kanyang puso'y isa nang bihag sa kagandahan ng anyo at puso ng binata?