kapitulo_uno
- Reads 1,935
- Votes 28
- Parts 8
Sa malamig at tahimik na gabi, isang binatang sugatan ang puso ang bumalik sa paboritong tulay-hindi para magpahinga, kundi upang tanungin ang Diyos na tila nanahimik sa kan'yang dalamhati. Sa kabilang dako, sa isang silid na puno ng pananampalataya, isang dalagang may pusong malapit sa Diyos ang nakaluhod habang nananalangin.
Hindi nila alam na kasabay ng kanilang hinagpis, dahan-dahan nang nagbubukas ang isang kabanatang silang dalawa ang bida.
At kagaya ng isang malabong salamin, hindi nila mahihinuha ang imahe ng kanilang kinabukasan. Ngunit isang bagay ang kailanma'y hindi magbabago, ito ay ang pag-ibig ng Panginoon.
Sa lilim ng kaniyang pag-ibig, sila'y makakahanap ng pahinga, palalakasin ang kanilang pananampalataya, at sa presensya niya'y hindi mag-iisa.
Ang tanong, kaya ba nilang mapagtagumpayan ang kanilang pagsusulit?
Tandaan, walang message kung walang mess, at walang testimony kung walang test.
@Kapitulo_uno