josandiego's Reading List
12 stories
ANG SAGINGAN NI GINGGING by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 5
Sa pinakadulong baryo ng Negros ay may isang sagingang hindi kailanman nauubusan ng bunga. Sa araw, isa lamang itong ordinaryong taniman. Ngunit pagsapit ng hatinggabi... may mga ilaw na sumasayaw sa pagitan ng mga puno. May mga yabag na walang nagmamay-ari. At may mga bulong na tanging ang hangin lamang ang nakaririnig. Maraming taon nang may nawawala sa baryo. Mga tao. Mga hayop. Mga lihim. Ngunit walang sinuman ang naglakas-loob na hanapin ang katotohanan. Hanggang sa isang gabi... isang kakaibang liwanag ang nakita ni Ging Ging-ang batang kilala sa baryo bilang matakaw, tamad, at laging tampulan ng tukso. Sa ilalim ng pinakamatandang puno ng saging, may isang bagay na kumikislap. Isang bagay na tila matagal nang naghihintay sa kanya. Isang bagay na kayang baguhin ang lahat. Ngunit hindi lamang siya ang naghahanap nito. May mga matang nagmamasid mula sa dilim. May mga nilalang na matagal nang nakatago sa anino. At may isang lihim na kapag nabunyag... ay maaaring magwasak sa buong baryo. Habang papalapit si Ging Ging sa katotohanan, lalo naman siyang inilalapit nito sa panganib. Dahil sa Sagingan... hindi lahat ng nakikita ay totoo. At hindi lahat ng lihim ay dapat mabunyag. Ano ang nakabaon sa kailaliman ng Sagingan? Bakit si Ging Ging ang tila tinatawag ng misteryosong mutya? At sino ang tunay na naghihintay sa kanya sa dilim? 🌙 Sa bawat dahon ng saging ay may nakatagong lihim. 🍌 Sa bawat lihim ay may kapalit na panganib. Handa ka na bang pasukin ang ANG SAGINGAN NI GING GING?
HOKUS POKUS NI POPPORIUS by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 111
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 33
May mga lihim na hindi dapat makita ng tao... Ngunit paano kung isang makulit na batang babae ang makakita ng isa? Sa tahimik na Barangay Masaya, si Iska, apo ng isang manggagamot, ay namumuhay ng ordinaryong buhay-hanggang sa makilala niya ang isang misteryosong puting dwende na tanging siya lamang ang nakakakita. Poppo. Makulit. Matakaw. Palaging sablay ang salamangka. At may lihim na kayang baguhin ang kapalaran ng dalawang mundo. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan tungkol sa Huling Puting Dwende, isang sinaunang propesiya ang nagsisimulang magising. Mga lihim na aklat. Mga halamang may kapangyarihan. Mga nilalang na matagal nang nakalimutan. At isang kadilimang matagal nang naghihintay sa pagbabalik ni Popporius. Ngunit sa gitna ng mga panganib... Mas matatagpuan nina Iska at Poppo ang pinakamahalagang mahika sa lahat. Pagkakaibigan. "Kapag nagtagpo ang batang may mata ng liwanag at ang Huling Puting Gabay... isang mundo ang maliligtas. Isang mundo ang mawawasak." Ngunit alin ang totoo? At sino ang dapat nilang katakutan? Ang Hari ng mga Anino... o ang lihim na matagal nang nakatago sa kanilang tabi? 🌿✨ Isang mahiwagang kuwento ng pagkakaibigan, salamangka, katatawanan, misteryo, at kapalaran na magdadala sa iyo sa isang mundong hindi mo malilimutan. ✨🌿 Handa ka na bang marinig ang kampana ni Popporius? 🔔🌙
SA KUKO NG ASWANG by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 154
  • WpVote
    Votes 28
  • WpPart
    Parts 31
Nagpunta si Monette sa Capiz upang takasan ang wasak niyang puso. Ngunit sa Roxas City... may mas nakakatakot pa palang naghihintay sa kaniya. Mga matang mapupula sa dilim. Mga bulong tuwing hatinggabi. At isang lalaking hindi dapat iniibig- si Lucero Montenegro. Ang pinuno ng mga aswang. Sa bayan kung saan buhay ang alamat... gaano katagal makakatakas si Monette sa kuko ng aswang?
THE WORST WITCH by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 259
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 37
(bigkasin habang umiikot ang tabo at nakataas ang sipit ng damit) "Sa hangin ng amihan, sa araw ng tanghali, lumipad ang labada ni Aling Nena at ni Mang Totoy. Puting brief at lumang saya, wag nang mangamoy, wag nang mamantsa! Abra labada! Kusot kadabra! Medyas ni Kuya, wag ka nang mawala! Sa sampayan ng buwan at bituin sa ulap, lumipad kayong lahat-wag lang mahulog sa putik at kanal! Banlaw ng diwata, sabong mabango, alisin ang mantsa ng toyo at bagoong! Tikbalang sa silong, wag makikialam, baka panty ni Aling Nena mapunta sa punong mangga naman! Sa utos ng tabo, sa sipit na banal, angat labada, wag magpatangay sa kapitbahay! Lumipad! Uminog! Pumailanlang nang marikit- pero kung mawalan ng isang medyas... kasalanan na 'yan ng mga duwendeng kulit!" ✨ "Labadang marumi, ngayo'y luminis! Sa isang pitik-sampay agad... bilis!" ✨ Tapos biglang WHOOSH!-lumipad nga ang labada... ...kaso yung isang bra ni Aling Nena dumiretso sa mukha ng kapreng natutulog sa balete. 😂 Tahimik ang paligid. Maya-maya... lumipad ang labada ni Aling Nena palabas ng bintana. "YANNA!!!" "Effective po pala..." proud na sagot niya habang may pose pa. Apo siya ng maalamat na puting mambabarang na si Aling Auring- pero sa ngayon? Mas malakas pa yata siya mang-abala kaysa mangkulam. At kasama ang best friend niyang si Anna na laging may dalang asin, handa na naman silang gumawa ng panibagong gulo sa baryo. 😭✨ Ano ang mangyayari sa pakikipagsapalaran ni YANNA ... Mananatili ba siyang " THE WORST WITCH"
SA KABILUGAN NG BUWAN  by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 73
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 22
Isang babaerong tikbalang na kilala sa pambibighani ng kababaihan sa baryo. Isang torpeng mortal na may dugong nilalang ngunit takot magmahal. Sa ilalim ng bawat kabilugan ng buwan, unti-unting mabubuo ang kakaibang pagkakaibigan na susubok sa hangganan ng tao, halimaw, at tadhana. Paano kung ang nilalang na kinatatakutan ng lahat... ang siya lang tunay na nakakaunawa sa'yo?
SI HANNAH ,  ANG BATANG ENGKANTADA by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 220
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 21
Sa buong baryo, iisa lang ang batang kayang magpatawa at magpasakit ng ulo kina Lola Martha at Tita Lourdes nang sabay... Si Hannah Mula sa pagkulay purple ng mga puting kuneho, paglalagay ng pabango sa kambing, hanggang sa misteryosong pagkawala ng mantika panghilot ni Tiya Lourdes-lagi na lang siyang may dahilan. "Hindi ko po kasalanan 'yun..." reklamo niya. "Eh bakit may make-up ang kambing?" "Nag-volunteer po siya." Pero habang ginugulo ni Hanna ang buong baryo sa kanyang kapilyahan at pabibong katwiran, may mga kakaibang bagay na nagsisimulang mangyari sa paligid niya... At may sikreto sina Lola Martha at Tita Lourdes na pilit nilang itinatago kay Hannah
SHADOWS OF DECEPTION  by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 51
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 16
Sa mundong nababalot ng kasinungalingan... ang katotohanan ay may kapalit na dugo. Isang secret agent. Isang nawawalang kapatid. At isang sindikatong kayang kontrolin ang batas, pulitika, at kamatayan. Kilalanin si Marcus Castro - ang tahimik ngunit nakamamatay na ahente na walang kinatatakutan... maliban sa sarili niyang nakaraan. At si Melissa Montemayor - isang magandang heiress na handang sirain ang buong mundo upang mahanap ang nawawala niyang kapatid. Habang unti-unti nilang binubuksan ang madilim na lihim ng Black Serpent Syndicate... Tila walang ng Lugar ang mission nila... Mission Impossible nga ba?
ANINO SA BAHAY BAKASYUNAN by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 45
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 11
Limang magkakaibigan. Isang bakasyon sa Antique. At isang bahay na tila ayaw silang paalisin. Akala nina Pearl, Sunshine, Justin, Pablo, at Ken simpleng pahinga lamang ito mula sa magulong buhay sa Maynila at sa pag-aaral sa De La Salle University. Pero mula nang makarating sila sa lumang bahay bakasyunan ng pamilya ni Pablo- May mga bagay nang hindi maipaliwanag. Sino ang babaeng nakikita ni Pearl tuwing madaling-araw? Bakit tila takot ang mga taga-baryo sa bahay sa bundok? At ano ang misteryosong nilalang na gumagala sa pasilyo tuwing sumasapit ang dilim? Habang tumatagal ang kanilang pananatili sa Antique, mas lalo silang hinihila ng bahay papalalim sa lihim na matagal nang nakabaon sa lugar .....SA PAGKAGAT NG DILIM
ANG PILYANG MANGGAGAMOT by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 666
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 30
Tahimik sana ang Biringan... hanggang sa lumaki si Angge. 🍭 Anak ng Babaylan 🐴 Kauna-unahang Anggitay ✨ At certified salot ng buong kaharian. Mahilig manggamot... pero mas mahilig manggulo. Kasama ang mga duwende, batang tikbalang, at prinsesang engkanto- isa-isang guguluhin ni Angge ang buong Biringan gamit ang kanyang: 🌿 sablay na mahika 🍡 kapilyahan 🍭 at pagiging pasaway. Pero habang abala siya sa pangongolekta ng kendi... unti-unti namang nagigising- ang sinaunang kapalaran ng Biringan. At hindi alam ni Angge... na siya pala ang batang nasa propesiya. 🍭 "Bawal libre ang gamutan... lalo na kapag walang kendi." - Angge 🌸 Tawanan 🌸 Kapilyahan 🌸 Mahika 🌸 Pagkakaibigan 🌸 At isang makulit na batang manggagamot na magpapagulo sa buong Biringan!
A KISS UNDER THE CRIMSON VEIL by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 187
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 18
She dreamed of a prince who would save her from poverty... But fate sent her a king- A king of darkness. Emma, a simple Filipina girl from a quiet barrio in Leyte, lives a life of duty and silent longing. But one night in the forest, she meets a man who should not exist-cold, powerful... and not human. Vladimir, an ancient Vampire King, has ruled for centuries without emotion-until he feels something impossible. Her. As visions bind their minds and secrets awaken in Emma's blood, their worlds begin to collide. But the truth may destroy them both... or bind them forever- Under a crimson veil... sealed with a kiss. "Hindi lahat ng halik ay pag-ibig"..kundi kapahamakan..."