mgapahina
Lumaki sa harap ng camera si Sophia Isabelle, mula sa maliliit na roles hanggang sa makuha niya ang pinakaabangang lead role sa TV. With her charm and talent, naging "next big star" siya generation niya. Pero nang ipareha siya sa isang bagong aktor, nagsimula ang isang love team na kinahumalingan ng buong bansa.
Lahat ay kinahuhumalingan sila. Trending sa social media, puno ng fans sa bawat event, at halos lahat ng proyekto nila ay blockbuster. Sa harap ng kamera, para silang fairytale na nabubuhay. Pero sa likod ng spotlight, hindi pala lahat puro kilig lang.
Dumagdag ang pressure, pagod, at insecurities---unti-unting sinusubok ang tiwala at puso nila sa isa't isa. Pipiliin ba nilang sundin ang expectations ng mga tao sa kanila o ang tunay na dapat ba nilang gawin?