lightestice
Bakit ganun?
Bakit palagi na lang ang mga babae ang nasasaktan?
Bakit palagi na lang ang mga babae ang nahihirapan?
At bakit ba ang babae lang ang dinadatnan ng period?
Atsaka bakit ba ang unfair?!
Dapat pati lalake rin nagkakamens!
May iba pang sinasabihan ang mga babae na ang OA dahil umiiyak kung nagkakamens. Anak ng tinapa! Masakit kaya sa puson! Kapag may genie talaga akong makita, sisiguraduhin kong una na hihilingin ko ay sana magkakamens rin kayong mga lalake!
Ganyan naman si crush sa akin eh. Tinatawanan ako, inaasar ako, pinagsasabihan ako na ang OA ko raw. Pero ba't ganun? Crush na crush ko pa rin siya? At bakit ganun? Hindi niya pa rin ako kayang magustuhan?