lilyanadreamy's Reading List
3 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,860,655
  • WpVote
    Votes 1,328,971
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
AZRIEL'S OBSESSION (Completed) by bubblxdtea
bubblxdtea
  • WpView
    Reads 34,704,604
  • WpVote
    Votes 690,003
  • WpPart
    Parts 54
Azriel Danzel Nickolson is a 26-year-old man and already ready to settle down. Having the most handsome face, tall height, manly and muscular body, every woman is willing to throw themselves to him. But he only craves for Seleira Farrah's attention and love so bad. He became a hopeless creep and stalked her for five years. When her family's business is about to get bankcrupt, he immediately took advantage and manipulate things to get her married to him. Azriel is the sweetest man. He spoils his wife and gives everything that she wants. However, no one would want to see him jealous. Because if he is, he doesn't care either you have the same blood, the other man should be gone. --- Read Azriel's Obsession and join them with their rollercoaster journey! This book isn't just about cuddles, love, and desire. Everything woud make sense once the story reaches its rising action and up to the peak, the climax! A good book doesn't reveal all of its secrets at once. City girl Seleira, marrying Azriel, would they really last until the end? --- All photos in this book aren't mine. They are all from google. Credits goes to the real owners. PICTURE IN THE BOOK COVER: from pinterest --- Started: Nov. 21, 2020 Ended: March 27, 2021
When It All Starts Again by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 703,099
  • WpVote
    Votes 33,585
  • WpPart
    Parts 77
Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkakamali na ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Mula nang iwan ng mga itinuring na kaibigan, iwan ng sariling ama upang sumama sa ibang babae, hanggang sa pagkamatay ng sariling ina-lahat ay mga pangyayaring napagod na siyang iyakan at isipin pa ay parte na lamang ng pangit na pundasyon ng buhay na gusto niyang baguhin. Sa pagdating ni Phillip at ng mahiwagang pocket watch sa kanyang buhay, bibigyan siya ng mga ito ng dahilan upang baguhin ang lahat. May mga pangyayaring maaaring balikan, mga pagkakataong maaaring baguhin, mga sandaling hindi pagsasawaang paulit-ulitin, ngunit sa oras na humingi na ang tadhana ng kapalit sa bawat oras na naibalik, matatandaan pa kaya niya ang mga bagay na nagsilbing daan upang maayos niya ang sariling kinabukasan? Maaalala pa kaya niya ang bukod-tanging nanatili sa kanyang tabi kung siya rin ang dahilan kung bakit niya ito nakalimutan? ----- When It All Starts Again © 2019 by Lena0209 (Elena Buncaras) WINNER OF THE WATTY AWARDS 2019 UNDER YOUNG ADULT CATEGORY Original concept of When It All Starts Again © July 2013 by Lena0209