Pass The Message (Published Under 8Letters)
InkofAnonymous
Naging malaking palaisipan sa buong klase ang biglaang pag-angat ni Audrey bílang top student, kahit inaasahan ng lahat na si Maia ang makakukuha sa puwestong iyon. Naging malinaw lang ang lahat nang isang scandal video ni Audrey at ng kanilang adviser ang biglang kumalat sa kanilang section. Ngunit nang maaksidente ang kanilang adviser at magpakamatay si Audrey, ang sagot na akala niláng magpapalinaw ay siya pang lalong nagbigay sa kanila ng mas maraming katanungan.
Sino ang nag-record ng scandal video? Siya rin ba ang nagpakalat nito? Kanino gáling ang mga mensahe? At bakit isa-isang namamatay ang huling nakatatanggap nitó? May tao ba sa likod ng mga nangyayari o sumpa ito ng isang naghihiganting multo?