mitchjeff24's Reading List
9 stories
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,156,131
  • WpVote
    Votes 182,152
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,329,271
  • WpVote
    Votes 196,685
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,577,230
  • WpVote
    Votes 585,847
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
I Love You Since 1892 (Book 2: fanfiction) [ON HOLD] by IndisputablyPeculiar
IndisputablyPeculiar
  • WpView
    Reads 50,086
  • WpVote
    Votes 573
  • WpPart
    Parts 5
Nasaksihan niyo ang pag iibigan ni Carmela Isabella at Juanito Alfonso sa ikalawang pagkakataon. Ngunit sa ikatlo at huling pagkakataon ba ay maitutuloy na ang naudlot na pag iibigan ng dalawang taong pinagtagpo ng pagkakataon ngunit sa magkaibang panahon? Matutupad na nga ba ang kahilingan ni Carmela Isabella? Sabay sabay nating tuklasin ang naging kahihinatnan ng kanyang huling kahilingan. Halika na at samahan si Carmela na nanggaling sa salinlahi ni Emily Isabella sa kanyang Epic at sometimes sorrowful pero punong uno ng kasiyahan na kwento. Halina't balikan ang pag iibigang saksi ang mga alitaptap sa pagsusumpaan ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng maling panahon at pagkakataon... Muli nating alalahanin ang istoryang I Love You since 1892.. Book cover by: @akieru_chan Date started: 12-23-17 Date finsihed: -- -- -- *************************************** Disclaimer: Paalala mga kapatid ang istoryang ito ay FANFICTION lamang at ang akdang ito ay hindi ginawa ng orihinal na manunulat ng kwentong I Love You Since 1892 na si Binibinibg Mia/ UndeniablyGorgeous. Maraming Salamat po! Credits: I love you since 1892
I Love You Since 1892(ang magandang wakas) by Abie_WP
Abie_WP
  • WpView
    Reads 239,453
  • WpVote
    Votes 2,218
  • WpPart
    Parts 9
Itutuloy ko lang po ang magandang ILYS1892 ni binibining mia dahil di talaga ako maka get over kay Juanito haha
THE GLASSHOUR 3 by xristianbryan25
xristianbryan25
  • WpView
    Reads 31,251
  • WpVote
    Votes 1,392
  • WpPart
    Parts 35
"Papa, Matagal na ba tayong nakatira sa kuweba?" "Nang magkaisip ako anak, ay ganito na ang nakagisnan ko na pamumuhay natin. Palipat-lipat kami ng aking magulang at mga kapatid kasama ang ibang mga tao. Na naghahanap ng maaring ikasalba ng aming buhay. Kung saan kami abutin ng pagod sa paglalakbay ay doon kami muling maninirahan." "Pero papa, sa mga nakita ko sa mga aklat na binabasa ni lolo ay tila hindi ganito ang ating mundo. Maganda ito at napakaraming mga tao, mga magagandang bahay, mga ibat ibang uri ng sasakyan at higit sa lahat napakaraming ibat-ibang uri ng puno at halaman at ang pagkain nila ay tila napakasasarap maging ang kanilang pananamit ay magaganda at maayos. Ano po bang nangyari at bakit ganito na ang mundo natin?." "Hindi ko alam anak, marahil bunga ito ng mga ginawa ng mga tao noong mga unang panahon bago pa maganap ang sinasabi nilang digmaan ng mga bansa at ang tuluyang pagkasira ng ating mundo."
THE GLASSHOUR 2 by xristianbryan25
xristianbryan25
  • WpView
    Reads 72,319
  • WpVote
    Votes 2,823
  • WpPart
    Parts 51
Maraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.
THE GLASSHOUR 1 by xristianbryan25
xristianbryan25
  • WpView
    Reads 111,188
  • WpVote
    Votes 4,322
  • WpPart
    Parts 40
#1 in History 063018 #3 in Time Travel 063018 Huwag mong baguhin ang isang nakaraan dahil may malaking epekto ito sa iyong kasalukuyan at magiging hinaharap.
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,619,847
  • WpVote
    Votes 617
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017