thestarburst
Isang desisyon, habang-buhay na pagkawala ng mga pagkakataong ilang taong binuo at mga bagong pagkakataong hindi kailanman sumagi sa isip ninuman. Isang desisyon, mga pagkakataon, mga resulta na may malawakang epekto. Ano ang pipiliin mo? Sino-sino ang mga pagkakatiwalaan mong maging bahagi nito? Hanggang saan at ano ang mga kaya mong isakripisyo? Oras? Kaibigan? Pamilya? Kinabukasan? O sarili?
Isang desisyon sa laro ng buhay na ang bawat pagkakamali ay buhay ang maaaring maging kapalit. Buhay para sa buhay. Isang desisyon na hindi matatakasan.
Ikaw, sasali ka ba kung ang nakataya ay ang lahat ng meron ka?
Sa mapanganib na larong ito, ano ang pusta mo?