RebelCrayon
Ano ang gagawin mo kung magising ka na lang isang araw na wala kang maalala kung ano ang nangyari noong araw na nagdaan? Wala kang maalala kung ano ang suot mo, ano ang kinain mo, saan ka nagpunta at sino ang kasama mo. Matatakot ka ba? Hahayaan na lang ang nangyari? O hahanap ka ng kasagutan kung bakit tila isang buong araw ng mga pangyayari ang bigla na lamang nawala sa iyong alaala?
Bawat segundo mahalaga. Bawat minuto, maraming pwedeng mangyari. Bawat oras mabilis lang na lilipas... subalit ang bawat araw na dumadaan, hindi basta-basta na lang nawawala.