Stand-alone Novels/Stories
4 stories
A Rose with a Hundred Guns by ILYSIMY
ILYSIMY
  • WpView
    Reads 5,921
  • WpVote
    Votes 748
  • WpPart
    Parts 50
Isang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit tila yata mapagbiro ang tadhana sapagkat sa kalagitnaan ng kaniyang pag-abot sa kaniyang mga minimithi sa buhay ay sunod-sunod na dagok ang kaniyang kakaharapin. Isa na sa problema niya si Flint Sienfield Villin na tila kumpadre ni Satanas sa sama ng pag-uugali. Kung hindi maatim ni Nicole ang ka-gaspangan ng ugali ni Flint ay ganoon din ang lalaki sa kaniya. Dahil dito, hindi makumpleto ang araw nilang dalawa nang hindi nagbabangayan. Gayon man, mayroong nakakubling nakaraan ang dalawa na hindi nila nababatid. Maging daan kaya ito upang mapalapit ang loob nila sa isa't isa? O maging panibagong dahilan lamang ito ng kanilang hidwaan? Isa ring malaking lihim ang unti-unting mabubunyag tungkol sa tunay na katauhan ni Nicole na siyang magpapabago sa kaniyang buhay. Ang lihim na pinakatatago ng kaniyang mga magulang. Ang lihim na magbibigay ng maraming katanungan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Matatanggap kaya niya ang nakakubling katotohanang iyon? At higit sa lahat, matatanggap niya kaya ang kaniyang sarili? [[Word Count: ≈125,000+ Words]] Date Started: April 07, 2020 Genre: Action, Comedy, and Romance ©ILYSIMY, 2020
Halcyon by ILYSIMY
ILYSIMY
  • WpView
    Reads 204
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 13
Katamaran at hayahay na buhay lang naman ang mayro'n si Laureen. Lamon, puyat at tulog. Ganiyan lang naman ang cycle ng buhay niya. Kuntento naman na raw siya sa buhay niya. Magbasa ng mga storya sa Wattpad, umasa na mayroon siyang mga asawa kuno, at masaktan sa huli dahil marerealize niya na imposibleng mangyari sa totoong buhay ang mga nababasa niya... ... PERO, PERO PERO! What if one day magkatotoo ang hiling niyang maranasan ang mala-Wattpad na buhay? 'Yun bang.. mapupunta siya sa isang libro, sa librong wala siya kaide-ideya kung ano ang magiging takbo? Wish granted kaya para sa kaniya? ... ... O Sumpa? "Correcting the same mistake that someone has done is what I am here for... but I didn't expect that I'm doing the same mistake as what the other one has done before." Date Started: September 07, 2020 Genre: Comedy/Humor, Fantasy, Historical Fiction ©ILYSIMY, 2020
10 Days With You by ILYSIMY
ILYSIMY
  • WpView
    Reads 159
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 5
Masasabi mo ba na mahal mo na agad ang isang tao sa isang tingin mo pa lang sa kaniya sa isang selda? Sa unang araw pa lang ng pagkikita niyo sa bilangguan? Masasabi mo ba na mayroong namamagitan sa inyo dahil nararamdaman mo lamang iyon? Dahil iyon ang sinasabi ng puso at isip mo? Paano kung biglang sumakit ang ulo mo at mayroong lumabas na mga pamilyar na alaala sa isip mo na kasama ang babae na kasama mo sa selda? Ano ang gagawin mo? Tatanungin mo ba siya tungkol doon? Maglalakas-loob ka ba na kausapin ang sigang babae na mas lalaki pa kumilos kaysa sa 'yo? Isang babae na kayang-kaya kang patumbahin sa isang iglap? Sampung araw. Sa loob ng sampung araw na 'yon ay makakasama mo sa selda ang sigang babae na iyon. Aantayin mo bang patayin ka niya? O uunahan mo na siya? *** This is only a short story.
Playing With Time by ILYSIMY
ILYSIMY
  • WpView
    Reads 17
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Gorgeous, fierce, reckless, and bold. Ilan lamang 'yan sa mga katangiang nakakabit sa pangalan ni Alexis. You better get out of her way, unless you are brave enough to face the perfect storm. Out of nowhere, she met Iñaki, a "gross-looking" introvert, but a bright student who has the ability to turn back the time. In desperate need of a friend, he doesn't think twice to befriend Alexis. He insisted to be Alexis' lackey for 365 days. With Iñaki's ability, Alexis wanted to abuse him for her own. Besides, he is the one who insisted to be her lackey. The big question is, with these hastily actions, what could possibly go wrong?