yueazhmarhia
- Reads 311
- Votes 34
- Parts 26
Nagising siya sa ibang katawan... Sa isang mundong matagal nang naitala ang kaniyang kapalaran.
Hindi kailanman naniniwala si Diana sa tadhana- hanggang sa isang aksidente ang humila sa kaniya mula sa makabagong mundo patungo sa katauhan ni Dayang, isang binukot sa panahong pinaghaharian ng mga babaylan, diwata at sinaunang paniniwala.
Isang propesiya ang nagtatali sa katauhan at buhay ni Dayang. Ngunit sa paggising ng kamalayang hindi kabilang sa panahong iyon, unti-unting mababasag ang mga nakasanayang tradisyon.
Magawa kayang panindigan ni Diana ang katauhan ni Dayang? Susunod ba siya sa daang nakalaan para sa kaniya? Yayakapin ba niya ang tradisyon at magpapatali rito o maninindigan siya at babaguhin ang propesiyang nakatakda sa kaniya?
****
Tanyag na pinuno at hari si Rajah Sinag, itinatag niya ang Hilagang Banwa na naging sentro ng kalakalan sa mga karatig nitong isla.
Bukod sa pagiging Rajah, may isa pa siyang tungkulin, at iyon ay ang tuparin ang kaniyang tagna. Sa mungkahi ng kaniyang tagapayo, ay tinungo niya ang Bayan ng kalinao upang umakyat ng ligaw sa binukot na nangngangalang Dayang.
Maging simula ba ito ng pagbabago sa buhay ni Dayang? Magawa kaya nilang hanapin ang pag-ibig sa isa't isa kung pareho silang may kailangang tuparin na tagna? Alin kaya ang mauuna? Ang pagtupad sa pansariling damdamin o pagtupad sa nakaatang nilang tungkulin?