AMIERRON's Reading List
5 historias
Sa Huling Talinghaga ng Eklipse por Amier_ron
Sa Huling Talinghaga ng Eklipse
Amier_ron
  • LECTURAS 128
  • Votos 14
  • Partes 3
Maraming hindi maipaliwanag na talinghaga sa likod ng eklipse. Si Heneral Cordusio ay nabubuhay sa taong 1841 habang si Feliciana ay nabubuhay sa taong 2024. Pareho ang petsa ng kanilang kapanganakan kaya naman noong 21st birthday nila ay pareho silang nakatanggap ng libro na ang tawag ay libro ng magkabiyak na puso. Ang oras ng dalawa ay parehong tumatakbo ngunit magkaiba ang panahon. Mahigit isang daang taon na rin ang lumipas nang ipinagkalayo ng tadhana ang libro ng magkabiyak na puso kaya naman sa unang pagkakataon na nagkaroon ng eklipse sa kanilang panahon ay muling nabuhay ang diwa ng mga libro. Ano kaya ang mangyayari kung isang umaga ay magising ang dalawa at mapagtantong nagkapalit sila ng libro ngunit sa magkaibang panahon?
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) por UndeniablyGorgeous
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
UndeniablyGorgeous
  • LECTURAS 33,302,722
  • Votos 835,583
  • Partes 50
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
Lo Siento, Te Amo (Self-Published under Taralikha) por UndeniablyGorgeous
Lo Siento, Te Amo (Self-Published under Taralikha)
UndeniablyGorgeous
  • LECTURAS 3,871,450
  • Votos 178,735
  • Partes 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.) por UndeniablyGorgeous
Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)
UndeniablyGorgeous
  • LECTURAS 2,126,554
  • Votos 86,315
  • Partes 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Bride of Alfonso (Published by LIB) por UndeniablyGorgeous
Bride of Alfonso (Published by LIB)
UndeniablyGorgeous
  • LECTURAS 5,160,252
  • Votos 195,267
  • Partes 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)