Romance-Drama Novels👑
2 stories
The Colors We Left Behind  by Miss_lesaghurl
Miss_lesaghurl
  • WpView
    Reads 5
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
"Sa huli, ang tanong ay hindi kung paano mo iiwasan ang sakit... kundi kung handa ka bang tiisin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig." Sa isang tahimik na baryo namumuhay at nangangarap si Celina. Umiikot ang kaniyang mundo sa pagpinta at pagguhit kung saan siya kilala ng lahat. Sa isang lugar sa kanilang barrio, napadpad siya sa isang pamilihan ng mga sining. Nakilala niya ang isang misteryosong babae na nag-iwan sa kaniya ng isang kakaibang panulat. Kalaunan, naglaho ang lugar na iyon na parang bula kasabay ng misteryosong pagkawala ng babaeng kaniyang nakilala. Ang buong akala ni Celina ay wala iyong malaking epekto sa kaniya. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi inaasahang dumating sa kaniyang buhay ang nag-iisang anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan- si Martin. Ang simpleng tagpo na iyon ay tila tuluyang nagpabago sa timpla ng kulay ng kaniyang kapalaran. Doon nagsimula nang magpakita sa kaniyang panaginip ang mga hindi maipaliwanag na pahiwatig at babala na tila pumipigil sa kanilang mga umuusbong na damdamin. Magtagumpay kaya si Celina na alamin ang misteryo ng mga pangitain? O susundin niya ang sigaw ng puso kay Martin? Date started: December 31, 2025 Date ended: Book cover by: Aivy Arts
Close your eyes, Hermosa ✔ by Miss_lesaghurl
Miss_lesaghurl
  • WpView
    Reads 11,562
  • WpVote
    Votes 3,552
  • WpPart
    Parts 34
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?" *** Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso. Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022 Ended : March 15, 2023 Language : Tagalog Book cover : Chrys_tala✨