cherry_rieza's Reading List
6 stories
Misteryoso 2 (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 18,616
  • WpVote
    Votes 988
  • WpPart
    Parts 29
Mas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan. Mananatili ang Kababalaghan hanggang sa mga susunod pang henerasyon. AUTHOR: Sa mga nag-direct dito, okay lang naman po at malinaw ang kuwentong nailahad pero kung ako ang tatanungin, make sure na nabasa n'yo na muna ang BOOK 1 na posted sa account ko bago ang isang ito. This is also one of my 2015 novel kaya expect n'yo na pong may mga error. Hehe. Hope na ma-enjoy n'yo. Godbless! DATE: 2015-2016
The Midnight's Curse (Soon to be publish) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 2,973
  • WpVote
    Votes 173
  • WpPart
    Parts 19
[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Baryo Danayon. Kasalukuyan din noong nasa bisig ng kan'yang ina si Luke De Vera upang itakas sa panganib na nagbabadya. Makalipas ang dalawangpung taon, nagpasya ang binatang si Luke na bumalik sa naturang lugar upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama na isa noon sa mga biktima at nasawi. Sa kanyang paglalakbay at pag-iimbestiga, matutuklasan nito ang pinakatatagong lihim ng Baryo Danayon. Lihim tungkol sa hindi maipaliwanag na pagpatay at ang isang bagay na kinatatakutan ng mga nakatira doon, ang tinatawag nilang MIDNIGHT'S CURSE kung saan sa tuwing lilipas ang sampung taon, huling araw ng Oktubre, alas-dose ng hatinggabi ay may hindi magandang mangyayari. Paano ito haharapin ni Luke? Paano kung ang sikretong mabubunyag ay konektado sa kanyang pagkatao? Itutuloy niya ba ang paghihiganti, o mananatili siyang nakatago sa anino ng nakaraan? ------ Isang kuwento ng pakikipagsapalaran, sakripisyo, pagkakaibigan, pamilya at pagmamahalan. Halina't samahan si Luke sa kan'yang paglalakbay tungo sa pagtuklas ng mga lihim sa isang lugar na tila isinumpa ng tadhana. Handa ka na bang malaman at tamaan ng MIDNIGHT'S CURSE? ------ START: July 25, 2022 END: September 6, 2022 BOOK COVER PHOTO: https://pin.it/171HMEX
SPECIAL CHAPTERS [Dark Hunter] by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 123
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 4
It's all about DARK HUNTER.
Dark Hunter [S1: A Never Ending Battle] by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 23,888
  • WpVote
    Votes 2,268
  • WpPart
    Parts 60
ISANG madilim na nakaraan ang magbubukas mula sa kamay ng kasamaan. Sa rehas na mundo (Pentezum) nakawala ang mga masasamang nilalang na maghahasik ng lagim sa mga daigdig. Sa mga daigdig na iyon, may mga natitirang nilalang na nakatakda upang muling pigilan ang nagbabadyang gulo. Ngunit papaano? Paano nila magagawa iyon? Tunay nga ba ang propesiya? Tungkol sa totoong tagapagpagligtas? Samahan ang binatang si Vince sa kanyang kakaibang adventure tungo sa pagtuklas ng tunay nitong pagkatao, pinagmulan at harapin ang isang mabigat na tadhana habang pasan ang kalawakan at buong sangkatauhan. Daigdig, Kalawakan, Pagkakaibigan, Pamilya, Pag-ibig at Kaligtasan... Ano nga ba ang dapat manaig? Ihanda ang inyong imahinasyon at mamangha sa kakaibang akdang pupukaw ng inyong atensyon. Manabik at magulantang sa bawat kaganapang dito n'yo lang makikita at mababasa. Yours truly presents... DARK HUNTER: Heroes of the Universe, A never ending battle between worlds and faith.
Detective Section (Ongoing) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 2,432
  • WpVote
    Votes 368
  • WpPart
    Parts 13
He likes to solve mysteries. He loves to find answer for every logic. He is not an investigator nor a detective member. Para sa kanya, ang ganitong gawain o trabaho ay simpleng bagay lamang na kaya ding gawin ninuman. He is Jedd Christopher, in short, JC. Hanggang sa matagpuan nito ang isang paaralan na hindi gaanong kilala sa buong bansa kung saan, naagaw nito ang atensyon at kuryusidad ng binata dahil sa mga balita at usap-usapang naririnig. Ang paghahanap ng kasagutan na noon ay isa lamang laro sa kanya ngunit nang mapasok nito ang Unibersidad ay nagbago ang kanyang pananaw. Na-challenge ito sa mga nagaganap at sa tulong ng kanyang mga kaklase bilang Special Section na may kursong Mass Communication, susubukan nilang lutasin ang krimen, misteryo at kababalaghang nagaganap. Makatutulong kaya ang kanilang abilidad upang matapos ang dilim na bumabalot sa kanilang paaralan? Date started: 05/03/2019 Date ended: -/-/- Lahat ng mga larawan na ginamit sa nobela ay hindi pagmamay-ari ng sumulat. Pawang ang mga iyon ay nagmula sa google o credited mula sa iba't ibang website. Enjoy reading po!
Ang Huling Hiling (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 979
  • WpVote
    Votes 133
  • WpPart
    Parts 8
S'ya ay muling bubuhayin. S'ya ay pinagkatiwalaan. Binigyan ng misyon upang subukan ang taglay na kakayahan. Ano'ng mas mananaig? Sariling paniniwala o ang pananalig? Mapipilit kaya n'ya ang puso't isip na kalimutan ang sandaling kasiyahan? Kondisyon kapalit ng pagtungtong sa langit? Inyong subaybayan ang kakaibang paglalakbay ng isang binatang puno ng pagtitiis at hinagpis. Mula sa kanyang panaghoy na nagbigay daan sa itaas upang s'ya ay pakinggan. Ito'y kuwentong nagpapatunay na ang kaligayahan ay nadarama lamang sa mga taong nagmamahal sa 'yo gaya ng pamilya at malalapit na kaibigan. Please leave any feedback/s or comment/s about this novel. Your vote/s would be one of a greatest blessing for me. DATE: 2017