bberrypie4
- Reads 5,287
- Votes 33
- Parts 68
Sa mundong pinaghaharian ng pera, kapangyarihan, at panganib - isang kasunduan ang nagbago sa buhay ni Vivienne Dahlia Delgado, isang simpleng babaeng may malaking pangarap. Hindi niya inakalang mapipilitan siyang pakasalan ang lalaking kinatatakutan ng marami - si Caspian Vienn Gonzales, ang malamig, matalino, at masungit na tagapagmana ng isang Mafia empire.
Si Caspian, sanay makontrol ang lahat. Wala sa bokabularyo niya ang salitang pagmamahal - lalo na sa isang babaeng tulad ni Vivienne na hindi niya mundo. Pero sa bawat araw na magkasama sila, unti-unti niyang natutuklasan na hindi lahat ng laban ay nalulutas sa dahas... may mga digmaan ding tanging puso lamang ang kayang tapusin.
At sa gitna ng kasinungalingan, panganib, at mga lihim ng nakaraan, matutuklasan nilang ang pinakamapanganib na laban ay hindi sa labas - kundi sa pagitan ng dalawang pusong pilit na lumalaban pero pareho nang nahuhulog.