AteSmileyy
Paano wawakasan ang pagmamahalan na nagsimula sa tuksuhan? Paano tatapusin kung hindi naman nagsimula?
Si Donnalyn ay may perpektong buhay at kayang makuha ang kahit na anong gusto niya ngunit hindi ang tunay na pag-ibig na sa simula pa lang ay hindi na naging tapat.
Isang araw, matapos ang kaarawan ng matalik nitong kaibigan ay nagpasyang siya, sila, na magpakasal. Isang sagradong sumpaan, isang silyadong samahan, isang pag-asa ngunit nauwi sa trahedyang kahit sila ay hindi inaasahan.
Mali nga ba ang umibig? Mali nga bang magpakasal kung nagmamahalan naman talaga?
Habambuhay niyang dala-dala ang sikretong ikinasal siya sa lalaking hindi niya inaasahang mapaibig siya.
Huli na ang lahat, hindi na mababago ng panahon ang sagradong sumpaan. Paano, paano matatakasan ang mga pangakong unti-unting napapako?