akosireiyura
- Reads 1,360
- Votes 25
- Parts 29
Bilog na lumulutang sa itaas ng mga ulo, iyan ang nakikita ni Allison Fenrer. May iba-iba iyong kulay: itim, abo, o minsan ay aninag lamang.
Kakaiba at hindi ordinaryo.
Pero kahit na ganoon, sa mahabang panahon ay wala iyong ibig sabihin kay Allison, pwera sa pagiging paraan para kanyang pagkakitaan. Hanggang sa isang panibagong bilog ang kanyang nakita.
Madugo. Masakit sa mata.
Nang isa-isang nag-iba ang mga taong 'pinili'; naging mas tahimik, hindi maintindihan, at parang nababalot ng dilim, ay napilitan si Allison na kumilos.
At doon ay magsisimula ang kwentong matagal na sanang natapos. Umiyak ang mga bilog, at bumulong ang kamatayan.
Wala siyang ibang magagawa kung hindi ang tanggapin at pasanin ang pangyayari. At pagbayaran ang utang na hindi naman para sa kanya.
***
The Orbs of Death by akosireiyura.
Disclaimer: written in Filipino and English
Genre: Supernatural Fantasy
This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, and incidents in this book are the product of the author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.