RockyAgang
Naghiwalay si Warren at Cham Cee sa pagitan ng status ng pamilya nila. Ngunit, ang hindi alam ni Warren ay nagkaroon sila ng anak ni Cham, lingid sa kaalaman ni Warren na ikinasal na si Cham sa fiancee nitong si Joshua. Samantala, paglipas ng labing dalawang taon, muling nagkita si Warren at si Cham sa Institution ng research inspection building. Nagbago na ang agwat ng kanilang mga kapasidad sa buhay, naging presidente ng Institution si Warren habang si Cham ay kaniyang isa sa mga employee, isang researcher. Hindi mapigilan ni Cham ang nararamdaman para kay Warren kaya umamin siyang muli, ngunit tinanggihan siya ni Warren. Ang buong akala ni Cham ay binabalewala na siya ng tuluyan ni Warren pero nag-aalala parin ito sa kaniya.
Nang malaman ni Warren na may anak silang dalawa ni Cham ay nagsisisi siya, nais niyang balikan at mahalin pa ng mas mahigit si Cham ngayon.
Ngunit ang hindi alam ni Warren ay masakit sa puso si Cham, na kailangan ng operahan sa mas lalong madaling panahon. Pagkatapos ng operasyon ay tila nagbago ang lahat kay Cham, wala na siyang nararamdaman kay Warren kahit alam niyang minahal niya ito. Dahil ang tinitibok ng puso niya ay si Joshua.
Pipiliin kaya niya si Warren na dating mahal na mahal niya o si Joshua ang nagmamay-ari ng puso niya?