SophiaSause
POV: Ikaw (Sophia)
Hindi lahat ng pagmamahal, malaya.
May mga pag-ibig na nakatali sa kasunduan-nakasulat sa papel, pirmado ng mga pamilyang walang kaalam-alam sa totoong nangyayari sa pagitan ninyong dalawa.
Si Arthur-ang ex-boyfriend mo, ang taong minahal mo nang totoo, at ang lalaking ngayon ay kailangan mong pakisamahan... hindi bilang kasintahan, kundi bilang fiancé sa isang arranged marriage na hindi pa tapos.
Walang nakakaalam.
Hindi ang parents mo. Hindi ang pamilya niya. Kahit ang bestfriend mong si Angela, kapatid niya-walang ideya sa lalim ng nangyari sa inyo.
Akala ng lahat, nagsisimula pa lang kayo.
Pero ang totoo... tapos na kayo.
O pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na tapos na.
Sa bawat araw na kailangan mong makita siya-sa events, sa family dinners, sa simpleng pagpunta sa bahay nila-bumabalik lahat.
Yung mga titig niya na parang may gustong sabihin.
Yung mga pagkakataong nagkakasalubong kayo sa hallway at pareho kayong natutulala.
Yung mga sandaling halos makalimutan mong ex mo na siya... at fiancé mo pa rin.
Masakit.
Dahil kahit anong pilit mong umiwas, hindi ka makaalis.
Hindi pa tapos ang kontrata.
At sa bawat segundo na magkasama kayo, mas lalo mong nararamdaman na hindi pa rin tapos ang nararamdaman mo para sa kanya.
Ang tanong-
Hanggang kailan mo kakayanin ang ganitong setup?
At paano kung isang araw, hindi mo na kayang itago?
Hindi mo na kayang itanggi...
Na kahit ex mo na siya-
Si Arthur pa rin ang pipiliin ng puso mo.?