RAI_WRITES_
Meet Hannah Murray Velasquez. She's truly one of a kind-a singer with an easygoing, almost childish charm that's instantly captivating.
Then there's Fatima Ceil Del Macalintal, whose bright mind is undeniable... even if she's known for being quite the laitera and a batak mangopya.
Ang pasilyo ay isang espasyo kung saan mabilis ang mga sandali at tila iniimbitahan ka na tumambay at makisalamuha...
Ang normal na araw sa paaralan ay pinupuno ng tunog ng mga maiingay na mag-aaral at samu't saring kuwentuhan sa malawak na pasilyo. Kakatapos lang ng P.E. subject kaya tagaktak ang pawis namin at kailangan nang magpalit ng damit.
Hannah
"Na~ Na~ Ayy!! Akala mo kung sino ka sa tingin mo!" Nakakairita naman itong babaeng ito! Ang lawak ng hallway, tapos bigla-bigla na lang susulpot na may masamang tingin.
Para sa kaalaman ng lahat, kung naiirita kayo sa boses ko, ako ang nag-iisang Hannah Murray Velasquez, a.k.a. "The Hannah Montana! "
Fatima
"How dumb are you?! Hindi mo nga ako kilala?!" ani ko sa babaitang mukhang Goldilocks sa liit.
Nagawa pa talaga akong sagutin?! Sumbat ni Hannah sa kanyang isipan
Siya na nga ang nakasanggi, ako pa sisisihin? Nagkatinginan kami nang masama bago sila umalis ng kasama niya sa harapan ko. Asik ni Fatima bago tuluyang lumayo