Hacinmae
Elementarya, High school, College. Masasabi na kabit siya.
Lu Han, Jimin. Dalawa lamang 'yan sa mga asawa 'kuno' niya. Natural na maraming maiinis sakaniya. Napaka Feeler ba naman kasi.
Ngunit sa paglipas ng panahon. Lumalawak na ang kaisipan niya, nawawala na rin ang 'K-pop love' niya.
Hangad na niya ang isang pag-ibig kung saan ay hindi na lamang siya mananaginip ng gising at manunuod ng Exo showtime, Music Videos at mag Live streaming.
Na hindi na lamang ang 'Baby Abs' ng Kanyang Lulu ang iniisip at ang Abs ng asawa niyang si Jimin.
Ngunit sa panahong nahanap na niya ang 'the one'. Magiging isang kiridang kabit nanaman ba siya?